Chapter Twenty-two

1262 Words

NAYAYAMOT na ibinaba ni Arabella sa ibabaw ng kama ang ilang mga damit niya. Wala pa rin siyang mapiling isuot sa ikasampung anibersaryo ng Posh. Sa huli ay dinampot niya ang isang kulay-olive na dress. Tumayo siya sa harap ng malaking salamin na nasa loob ng silid niya. “Hindi ka pa rin ba makapili ng isusuot mo?” tanong ni Tita Carlota na kapapasok lang sa kanyang silid. Inihagis niya sa kama ang hawak na damit. “Wala ho. Naisuot ko na kasi ang mga ito sa mga event namin, eh.” “Dapat kasi bumili ka na lang ng bagong damit. Teka, nasaan 'yong damit na iniregalo ng Tita Eliza mo sa 'yo? 'Yong kulay gold na dress. Hindi mo pa iyon nasusuot, `di ba?" Nagliwanag ang mukha niya nang maalala ang damit na tinutukoy nito. Binuksan uli niya ang cabinet at hinanap ang damit na iyon. Tinulungan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD