Sa kaibigan niya pinamahala ito at ang school director nitong school na ito ay ang anak ng kaibigan niya.” Mahabang salaysay niya.
“Ahh grabe ang yaman mo naman. Siguro ang kwarto mo ay kasing laki ng
classroom natin hahahaha” sabay tawa namin sa biro ko.
“Wow, pasali naman sa usapan. Ano pinaguusapan niyo?. Nawala lang ako ng saglit hindi ko na alam ang ganap.” Nagulat ako sa tinig ng babaeng nakatayo. Si Calliope.
“Wah sa wakas dumating ka na anong sandali lang ang tagal mo kaya. Siya nga pala ito nga pala si Szynayah. Szynayah ito nga pala si Caliope.” pagpapakilala ko.
“Hi ako Si Calliope Jane Ladier.” Nakangiting pagpapakilala nito. Sabay lahad ng kaniyang kamay kay Szynayah.
Tinanggap naman ito ni Szynayah at nagpakilala rin.
“Ako si Szynayah Jolene Cameron. Glad to meet you.” Matapos magpakilala sa bawat isa ay nagkwentuhan kami kung gaano kayaman si Szynayah at ito si Calliope gulat na gulat dahil napakayaman nga talaga ni Szynayah.
Napagkwentuhan rin namin ang hilig ng bawat isa at talagang nagkatuwaan kami at natapos na ang aming unang araw sa klase.
“Bye Guys nandyan na kasi ang hatid ko. Kita na lang ulit tayo bukas.” Sabay kaway ni Szynayah sa amin.
Kumaway rin kami habang siya ay nasa loob ng magarang kotse.
“Bye Rich Girl hahahaha” sabay tawa ng malakas namin ni Calliope. Maging siya ay natawa at nahiya sa ginawa ni Calliope. Nakaalis na ang kotse ni Szynayah.
“Bye Bes Chat-Chat na lang tayo ha? Sige bye. Chat mo ko kapag nakauwi ka na. Bye.” Kumaway muna si Calliope saakin bago nagpatuloy sa paglalakad. At maging ako ay umuwi na rin sa aking Condo Unit.
“Magjejeep na lang ako.” Sabay para ng jeep.
Pagkauwi ko sa Condo ko ay bumati muna ako sa Ms. Riya. Siya ang landlord ko and kaibigan siya ni Mama. Malaki ang utang na loob niya kay mama kaya ang pagpapatira saakin ang pagsukli niya rito. Ngunit ayoko naman na malugi siya nang dahil saakin kaya kahit papaano nagbabayad ako sa kanya gamit ang pagtatrabaho sa Milktea Café niya.
“Magandang hapon iha, ano nakakain ka na ba?” bungad na tanong sa akin ni Tita.
“Busog naman po ako. Maguumpisa na po ako magtrabaho mamayang alas quatro. Salamat po sa pagaalala.” Bago ako umalis