“HAPPY birthday, tatay!” Isang simpleng handa lang ang gusto ni tatay kaya iyon ang sinunod namin ni Ram. Ayoko pa nga sana dahil ang nais ko ay makasama niya ang mga kaibigan niya pati na ang mga kamag-anak namin na nasa Metro. Gusto ko na magarbong selebrasyon ang idaos kaso ay mas gusto niya raw na kami lang ni Ram ang makasama niya. “Maraming salamat mga, anak," mahina ngunit nakangiting saad ni tatay. Nagkasya na lang ito sa pagtingin sa mga pagkain dahil hinang-hina na talaga ito pati ang magagan na kilos ay hindi na magawa. Ilang beses ko siyang pinilit na magpatingin sa doktor ngunit nagagalit lang ito at panay ang sabi na nag-aaksaya lang kami ng pera. Kahapon nga, sinubukan ko'ng papuntahin si Renai dito para suriin siya pero nagalit pa ito at hindi kami kinausap ni Ram n

