ILANG kurap at pagpikit pa kaya ang dapat ko'ng gawin para lamang makatulog? Inis na inis na ako sa sarili ko. Bakit ba hindi ako makatulog? Kung ano-ano kasi ang pumapasok sa isip ko. Lalo na dahil kalapit kama ko lang naman si Ram. Oo at magkaiba kami ng kamang hinihigaan pero iyong isipin na iilang distansya lang ang pagitan namin ang nakakapagpagabag sa akin. Hindi ko naman iniisip na sasamantalahin niya ang kahinaan ko dahil alam ko'ng hindi niya iyon gagawin. Masiyado pa akong bata para bumigay sa bugso ng damdamin. Sobrang tahimik pa ng kwarto. Tanging tunog ng aircondition ang maririnig. Nakarinig ako nang pag-tikhim mula kay Ram. Kasunod nito ang pagsasalita. “Hindi ka rin ba makatulog?” Mabilis akong pumikit at nagpanggap na humihilik. At dahil nakatalikod ako mula sa kan

