“RAM. . ." Pupungas-pungas pa ako ng mga mata nang maramdaman ang pagbuhat niya sa akin upang ilipat sa loob ng aking kwarto. Sa sobrang pagod ko kakahanap ng mapagkukunan ng pera pangtustos sa gamot ni tatay ay nakatulog na ako sa lamesa. “Sssh. . .matulog ka na at 'wag na magsalita pa. Alam ko'ng pagod ka," masuyo niyang anas at saka inilagay ako sa kama. At dahil sa nakakahele nitong amoy ay nadala akong muli ng antok. Basta ng huli ko'ng matandaan ay pagkumot niya sa akin bago maingat na lumabas ng kwarto. Maaraw na nang magising ako. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako sa maghapon. May nakahanda na ring pagkain nang dumulog ako sa hapag. Si Ram ang naabutan ko'ng naghahanda niyon. Wala sa sariling napangiti ako. Kahit anong problema ang hinaharap ko, nawawala lahat iyon bast

