HINDI mabilang ang lakas ng kalabog sa dibdib ko. Parang hinahabol ako ni Satanas sa bilis ko'ng maglakad. Karay-karay ko si Ram na nanatiling nakaukit ang malaking tanong sa mukha. Gulong-gulo pero nanahimik na lang at sumunod sa gusto ko. Himala nga at nakabalik pa kami sa kwarto ni tatay nang hindi ako nadadapa. Konting-konti na lang kasi ay doon na ako papunta. Nang makapasok ay nanginginig ko'ng ini-lock ang pinto. Takang-taka si Ram sa ikininilos ko. “Ano ba'ng nangyayari Sanya? Bakit parang takot na takot ka?” ani Ram nang hindi na mapigilang magtanong. “May bumastos ba sayo? Sabihin mo sa akin? Nasaan?" Handa na nga itong manugod sa pagtayo niya. Umiling ako. “Maupo ka na lang Ram at huwag mo akong intindihin," pagsusuplada ko. Natatameme ito at napanganga na lang sa akin. I

