Makulimlim ang kalawakan. Walang bituin, kahit ang buwan ay di mamamataan. Walang hangin na mararamdaman Ngunit may lamig sa paligid na dulot ng hamog ng nagdaang hapon ng Nobyembre.
May apat na minuto nang napapansin ng dalaga na sumusunod sa kanya ang Isang lalaking nakasuot ng violet na jacket, natatakluban ng anino ng hood nito ang halos kalahati ng mukha ng lalake. Tanging bibig lamang ang naaaninag ng mata sa tulong ng liwanag ng mga poste at mga nagdadaanang sasakyan.
Dali daling naglakad ang babae sa gilid ng daan, naririnig niya ang unti unting pagbabago sa bilis ng hakbang ng Lalake. Sa di kalayuan ay may natanaw siyang mga binata. Apat na kalalakihang hindi nalalayo sa 19 hanggang 22 taong gulang. Ang tatlo ay nakaupo sa Isang mahabang upuang kahoy na nakaharap sa binatang nakasuot ng puting saklob, ang kaisa Isang Lalake na nakapansin sa pag dating nya. Ang isa sa mga binata ay naka Sando na pula, ang isa ay naka jersey ng Cleveland Cavaliers at ang isa naman ay naka T-shirt na itim. Mas binilisan nya ang paglalakad. Nang makalapit sya sa mga binata, nagsalita sya ng may halong pangangatal.
"Kuya. Mga kuya, patulong naman oh. Kanina pako sinusundan ng lalaking yun e." Sabay turo sa lalaking papalapit sa kanila. Nagsalita ang isa sa mga nakaupo,
"Miss, Panong hindi ka hahabulin ng manyak e tingnan mo naman yang suot mo, konting higit lang wala Kanang saplot e. Yaan mo, Kami bahala sayo."
Tumindig ang tatlong lalaking nakaupo, Ang lalaki na may puting saklob naman ay inalok ang dalaga na magtago muna sa katabing eskinita na tinatambayan nila. May kadiliman ang malawak eskinita na nililiwanagan lamang ng ilaw ng nag iisang poste. Walang bahay at Puro Basura lamang ang makikita sa loob ng eskinita.
Ngunit laking gulat ng dalaga nang makitang nagsamasama ang mga nakatambay na binata at ang lalaking sumusunod sa kanya.
Wala nang nagawa ang dalaga Kundi ilabas ang tunay nyang anyo. Unti unting humaba ang mga tenga nito, lahat ng ngipin nya ay naging pangil na parang sa mga pating. Ang kulay ng balat nyang mestisa ay naging kulay ng tsokolate. Ang mga mata nyang singkit ay naging bilugin at nagkulay pula ang paligid, ang gitnang Bahagi ay naging kulay ng punongkahoy na kumikislap sa dilim. Ang Ilong na matangos ay mas humaba at tumulis ang dulo na naghugis arko. May mga buto na tumubo sa balikat nya na animo'y naagnas na ang itsura sa dami ng mga bitak at butas. Umagos ang dugo mula sa labi nya sanhi ng pagkaka kagat ng matatalas nyang ngipin. Humalo ito sa tumutulo nyang laway.
Agad na sumugod ang lalaking nakajacket. Inambahan nya ang nilalang ng suntok sa mukha ang nilalang at kasunod na sipa sa sikmura. Napahiyaw sa sakit ang nilalang na Nawalan ng balanse at napahiga Ngunit mabilis ding tumayo at umatake gamit ang matatalas nitong mga kuko. Sumugod naman ang nakaputing saklob na may hawak na patalim. Hugis kuko ng pusa ang patalim na kulay itim at may mga animo'y kaliskis ang hawakan nito na nagniningning sa liwanag na dulot ng ilaw sa poste. Nasalag ng nilalang ang saksak, nahawakan nito ang binata sa braso at pinilipit. Napa liyad ang binata, dahilan para malaglag ang saklob nito at tumambad ang maamong mukha ng binata.
Ngunit may kakaiba sa mukha nito. Mahahaba at medyo matalas ang dulo ng tenga nito na parang hugis ng mga dahon. May matingkad na Kulay Berdeng linya sa magkabilang gilid ng noo nya naglalakbay hanggang sa gilid ng mukha pababa sa leeg. Makikita din ang marka hanggang sa braso ng binata na nagtatapos sa mga kamao nito sa tapat ng hintuturo.
Sumugod ang mga natitirang lalaki maliban sa naka jacket. Sinipa ng lalaki na naka itim na tshirt sa likod at pinalo ang balikat ng Isang biluging kahoy na kulay pula ang nilalang, dahilan para mapaluhod sila at mabitawan ang lalaking may puting saklob, tumayo ang lalaki at muling isinuot ang saklob niya. Umungol sa sakit ang nilalang na sinamantala naman ng isa pang binata na naka jersey. Sinuntok nya ito ng ubod ng lakas sa mukha, napa higa ang nilalang at gumapang. Lumapit dito ang tatlong Binatang naka tshirt na itim, naka jersey at ang binatang naka sando,pinagtatadiyakan nila ang likod nito. Sumuka ng maitim na likido ang nilalang.