Chapter 5

734 Words
Nag lakas na ako ng loob para naman matapos na ang eskandalong ito. "Pasensya na talaga sir , hindi ko po sinasadya. ibibili na lang po kita sa mall ng pampalit nyo po." Paghingi ko ng pasensya and i insist na bilhan sya ng damit. "Beb amelia, ito pa yung mga cupcakes wala naman damage yan. sorry! :( Una na ako, bibili lang ako ng pampalit ni sir." Pag paalam ko kay amelia. Kahit mababawasan budget ko. Ok lang para hindi na magalit sakin si primo. Para kaseng mamamatay na ako sa mga titig nya. "Here azia, pambili mo ng damit " Sabay abot sakin ng limang libo.  " Naku beb, wag na tsaka ako naman ang may kasalanan . Kunin ko na lang yung bayad sa 2 dozen of cupcakes beb. three thousand pala yun."  kinapalan ko na ang maningil agad dahil kulang pa yan sa bibilhin kong damit.  "Sure ka ba beb na ok lang? " May pag aalalang tanong nya dahil alam nya na nag iipon ako at nag ba-budget para sa mga gastusin ko.  Gustuhin ko man tanggapin ang alok nya, nakakahiya naman kung sya pa ang pa-gagastusin ko ng damage na nagawa ko kay primo. Kahit kunti may hiya pa rin naman ako. "Oo beb, tsaka nakakahiya naman eh, hehe" nahihiyang sabi ko sabay kamot sa batok ko.  " Pano beb, alis na ako para makapag palit na si S I R !" Sarcastic kong sabi kay amelia. Nakakapikon lang kase hindi man lang mag ambag , like duh! hindi lang naman ako ang may kasalanan dito. Sya rin naman eh, bakit kase nasa likod ko sya. "May sinasabi ka ba ha ? " Sigaw na tanong sakin ni primo. "Wala po sir, sabi ko po aalis na ako para bumili. " Sagot ko sabay ngiti ng mapakla.  Umalis na ako sa building na yun at nag hanap ng pinaka malapit na bilihan pero dahil mukhang araw ng kamalasan ko ngayon . walang malapit na mall dito. Buti na lang may botique akong nakita. Pag pasok ko doon nag hanap na ako ng pwede para kay primo pero walang mga Polo dito kaya nag tungo ako sa plain shirt. Pag tingin ko ng price. Lumaki bigla ang mata ko ng makita nag pricetag. Seryoso ba to? 5k talaga to? Ano ba ito ginto ? Pambayad ko na ito ng bill ko sa kuryente at tubig eh. " Excuse me, Miss. May tig 3k po bang plain shirt dito?" tanong ko sa cashier. "Sa right corner po mam , dyan po nakalagay yung mga 50% off po namin" Sagot ng kahera. "Ok, thank you" Pumunta na ako sa stall na sinabi ng cashier. Nakakita ako ng Plain black with attach ng red sa shoulder nya. Yun na ang kinuha ko dahil 2,500 lang sya, Dahil 3k lang tong hawak ko. May pamasahe pa ako pauwe.  Nag bayad na ako sa cashier para maka-balik na agad at makapag bihis na si primo.  ~~~~ Pag balik ko sa area kung saan nataponan ng kape si primo, wala na sila Amelia at yung jowa nya. Malinis na rin at ang tanging  naroon na lang na nag hihintay ay si primo. "Sorry natagalan nag hanap pa kase ako ng mabibilhan eh . San na ~~~" bungad ko sa kanya. May sasabihin pa sana ako kaso bigla syang nag salita. Kaya na putol ang sinasabi ko. "Just shut up and follow me!" Utos nya sa akin. Wala na akong nagawa at sumunod na lang ako sa kanya. May pinasukan kami, kung susuriin ko. Mukhang opisina nya ito. Napalibot ang tingin ko sa kabuuan ng opisina nya. May kalakihan ito at sobrang linis. Siguro istrikto ito pag dating sa kalinisan kaya ganun na lng sya kung magalit sa akin. "Ngayon ka lang ba nakapasok sa ganitong lugar? Baka gusto mong ibigay sakin yung damit?" putol nya. "Hehe, Sorry ito na pala"    ~~~~ kroooooo~~~~ Napatingin ako sa kanya ng tumunog yung sikmura ko, hindi pa pala ako nag la-lunch. Sabay sana kami ni amelia at treat nya kaso dahil sa eksena kanina ay naudlot.  "Heheh. Hindi pa kase ako nag la-lunch. Ito na pala yung damit mo. Pasensya na yan lang nakayanan ko. Ahm. Alis na rin pala ako". dire-deritso kong sabi sa kanya. Parang gusto ko na lng lamunin ng lupa sa kahihiyan. "No. Stay. Wait for me". sagot nya sabay hablot ng paperbag sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD