Chapter 2

616 Words
~~KINABUKASAN~~ Dahil hindi rin naman ako nakatulog ng maayos, maaga na akong gumayak pa pasok ng trabaho.  Nag prepare na ako ng breakfast ko simpleng sandwich at coffee lang. Doon na lang ako kakain sa resto pag pasok ko. Para na rin makatipid , may pinag iiponan kase ako eh.  Gusto ko kase mag patayo ng sarili kong cafe shop, alam kong imposible dahil malaki laking pera ang kailangan para maipundar yun. Pero in GODS WILL , walang imposible sa kanya manalig lang tayo. Nilibot ko ang aking tingin sa apartment na inuupahan ko, kahit papano may mga gamit na rin akong na ipundar. May kalakihan din may isang kwarto, may sariling sink , comfort room, beranda. Kahit papaano nakaka kilos ako ng maluwag dahil nga nag sa-side line ako sa pag titinda ng mga cupcakes, pastry and brownies. Ito rin yung way ko para makatulong sa mga bayarin ko, isa pa medyo may kamahalan din tong unit na inuupahan ko. Bandang 6am na ako umalis ng unit ko dahil nag linis muna ako ng apartment bago umalis . Pag karating ko sa resto, madaming costumer. Kaya tinulungan ko na rin yung iba ko kasama mag serve kahit sa kaha ako naka assign ngayong araw. "Chef, follow up daw po order sa VIP 5." sigaw ko sa kitchen.  "Okay, paki kuha na itong pagkain asia, sakto sa VIP 5 ito." sagot sakin ni chef Rani. Kinuha ko ang pagkain at inabot sa kasama na naka assign sa dining , sya kase ang mag seserve ng pagkain. Mabilis lumipas ang oras, halos lahat ng costumer namin sa dining is nag bill out na. Kaya nag simula na kaming mag linis ng kasama kong Thea. Ka-duty ko pala ang bruha. Habang nag lilinis kami, "Be, musta lovelife mo, meron na ba?" prankang tanong nya sa akin. "Hahaha, wala pa sa isip ko yan tsaka wala akong oras sa mga ganyan ganyan. ayoko pa maranasan masaktan tulad mo". Natatawang sagot ko . "Awwts be ah! Pero ano ka ba, part yun ng pag ibig. As long as nag kakaunawaan at nareresolba naman namin. See, 3 years na kami. Nakakakilig kayang ma in-love, sana ma try mo din noh. Iba sa pakiramdam." Kinikilig na sagot nya habang may pahawak pa sa pisngi nya. "Loka ka talaga. Ikaw na ang in-love. Basta ako focus lang muna sa work at sideline." Putol ko, hindi pa kase ako interested sa mga ganyan. "Ikaw rin, hindi na tayo pa bata noh. Sa kaka focus mo sa trabaho baka yumaman ka nyan kaso walang jowa." Natatawang palliwanag nya . " ikaw loka ka. Wag kang mag alala, pag nag ka jowa ako, ikaw unang makaka-alam. Anyway stop na sa topic na yan." Pag putol ko sa usapan. "Para maranasan mo yung Kiss, date, selos ganyan" pang aasar nya sa akin.  Hindi ko na sya pinansin baka sa kung saan pa mapunta ang usapan, tinuon ko na lang ang aking sarili sa pag lilinis at ng matapos ako , inasikaso ko na rin ang mga need ire-stock sa mga gamit namin dito sa resto. Dahil bukas makakapag day off na ako at 2 days yun kaya magana akong nag tatrabaho ngayon. Habang abala ako naka receive ako ng text galing kay Amelia. ~~Message receive~~ "Beb, busy ka ba tomorrow. Want ko sana mag order sayo ng cupcakes. please. =("  "Hi beb! Sakto off ko bukas. Ilang piraso beb" reply ko. ~~ message sent~` ~~ Bzzt  (phone vibrating) from Amelia~~ "24 pcs beb, pwede deliver mo dito sa office ko please beb". "Sure beb. Ikaw pa , lakas mo kaya sakin." message sent ~~ Bzzt  (phone vibrating) from Amelia~~ "Yown! Thank you beb. See you beb. mwuah."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD