Mainit ang ulo niya ngayon, kagagaling lang nila sa labas naglakad lakad. Kasama. Syempre ang mga anak nila at si Daddy at si Yaya Rosing. Masama na nga ang loob niya dahil di siya kinikiss mark pa nito, e may ginawa pa itong kinabubwesitan niya. "Dos bili tayo turon." Nakangiting sabi ko sa asawa na may karga kay Tres. Nandun naman kina Daddy at Yaya Rosing si Thirdie. "Hawakan mo si Baby o ikaw na ang bibili?" Tanong nito sa akin. "Kami na ni Yaya Rosing ang bibili. Di naman kami magtatagal." Nakangisi kung sabi dito. "Yaya, bili po tayo ng bananacue." Tawag ko sa pansin kay Yaya. "Sige, saan ba? Daddy bili muna kami ni Raya ng Bananacue, gusto mo?" Tanong nito kay Daddy. "Yes, just get the money on my pocket." Sabi ni Daddy, karga kasi nito si Thirdie kaya malamang e di nito maga

