Nagising sila sa malakas na pagkatok na narinig. Halos mag unahan sila sa pagbangon ng pumasok si Jana at si Aqua. Mga abnormal talaga mabuti at tulog mantika ang dalawang itlog nya kung hindi tiyak na nagsipalahaw na ng iyak ang mga ito. "Earth to the two Mrs. Lacsamana, delivery for you." Sabi ng nakangising si Aqua hawak nito ang isang cellphone. Mabilis na nahablot ni Mama ang cellphone, dating snatcher yata ito sa past life nito. "Ako na muna ang tatawag kay Daddy mo." Sabi nito na mabilis na tinipa ang number ng kanyang byenan sa cellphone. Ni loud speaker pa nito ang cellphone kaya narinig nila ang tila static sound na kasunod ang isang Chinese operator. Napangiwi kaming tatlo habang tatawa tawa naman si Jana. "O anong nakakatawa? Hmmp." Sikmat ni Mama sa babae. "Di talaga ako

