Raya pov Di niya maiwasang di kabahan habang naghihintay na muling lumabas ang asawa mula sa loob ng study room ng kanyang ama. Kanina akala niya ay hahayaan siya ng asawa na di umuwe kasama ito. Ngunit labis ang naging tuwa niya ng pumayag ito na maiwan sa isla kasama silang mag iina. Naramdaman niya ang paglapit ng kanyang asawa. Magkasama nilang sinabi sa kanilang mga kasama ang naging pag uusap nila ng kanyang mga kapatid at kanyang ama. At napagpasyahan ng mga ito na sa sunod na araw nalang umuwi kasama sila. "Ang tahimik mo yata ngayon?" Tanong niya rito ng mapag isa silang mag asawa. Niyakap siya nito at mariing hinalikan sa batok. "Nag alala lang ako." Sabi nito. Natutuwa siyang di ito nag alalangan na sabihin sa kanya ang anumang naiisip nito. "Saan?" Tanong ko dito, na ti

