Third person's POV Nasa main building sila Ted at Luke para sa isang meeting kaya hindi nasamahan ni Luke si Ellaine papuntang shop. "Sir, may problema ba kayo ni Pearl?" tanong ni Ted kay Luke. Nakakahalata na rin siya na may away na nagaganap sa pagitan nila. "It's none of your business," sagot lang ni Luke at nagpatuloy na sa paglakad. "May pakialam din ako sir. Kasi nakikita kong nahihirapan po kayo kahit na konting tampuhan lang ang namamagitan sa inyo," sagot naman ni Ted. Ngayon palang siya ganito umasta sa harapan ni Luke. Kaya nagtataka siya kung anong nakain niya ngayon. "Sinusuway mo na ba ako Ted?" tumigil sa paglalakad si Luke para harapin si Ted. "Hindi naman sa ganun sir pero, paalalang kaibigan lang itong sasabihin ko sa inyo sir. Habang nandyan pa po siya, huwag ni

