Third person's POV "Luke!!" sigaw pa rin ni Ellaine. Nang lumapit si Steve kay Ellaine at hinawak ang balikat niya kaya dahil dun ay napalingon si Ellaine na namamaga na ang mata. "Ellaine, may pag-asa ka pa," mahinahong sabi naman ni Steve sa kanya. "Ano pa bang pag-asa? Sawa na akong maniwala sa pag-asa. Ngayong si Luke na ang nawala!" sigaw ni Ellaine. "Huwag kang mawalan ng pag-asa Ellaine, meron ka pang magagawa," mahinahon pa ring sabi ni Steve. "Ano naman yun?" tanong ni Ellaine. "Pwede mong buhayin ang patay," sabi naman ni Steve. "Huh?" Nagtatakang tanong naman ni Ellaine. "Makapangyarihan ka Ellaine. Subukan mo." Kaya ipinatong na ni Ellaine ang kanyang dalawang kamay sa tapat ng dibdib ni Luke at ipinikit ng mariin ang kanyang mata. "Please Luke gumising ka!" dasal n

