Ellaine/Pearl's POV "Uy, anong problema niyo girl?" tanong naman ni Marla nang makalapit na siya sa counter. "Wala, konting tampuhan lang," sagot ko naman. "Pero ang maliit na tampuhan ay pwede 'yang lumaki kung hindi niyo pa 'yan aayusin," sabi naman ni Marla. "Eh, siya naman kasi eh," pagmamaktol ko na parang bata. "Ano bang problema niyo?" tanong naman niya. "Nilalait kasi ni Luke ang feelings ko sa kanya eh," sagot ko na lang. "Ano bang sabi niya?" "Basta, tinatawanan pa niya ako," sabi ko naman. "Tinatawanan niya na mahal mo siya?" nacucurious niyang tanong. "Hindi naman sa ganun pero kasi 'di ba kapag mahal mo ang isang tao, natural lang na kiligin ka?" tanong ko sa kanya. "Oo," maikli naman niya sagot. "Eh tumatawa siya dahil sa kinikilig ako sa mga pinagsasabi niya," sa

