Ellaine/Pearl's POV "Grabe talaga si sir," sabi ni Ted habang palabas siya sa office ni Luke at inakbayan si Marla na busy sa pagsusulat ng kung ano. At siniko naman kaagad ni Marla si Ted sa tiyan niya. Pero nasa akin na ang atensyon nila ng tuluyan na akong makapasok sa loob. "Hi Pearl," bati ni Ted at kinawayan ako na nakahawak yung isang kamay niya sa tiyan niya na siniko ni Marla kanina. Nginitian ko lang siya. Nagtataka siguro kayo kung paano ako nakapunta rito? Nagpatulong ako kay Bhyll na pumunta rito for the last time. Ginamit niya ang portal para makarating kami rito ng mabilis. Kaya ko din namang gumawa ng portal kung alam ko lang kung saan at anong daan ang dinadaanan. Sabi pa niya na sa kanila na lang ako titira para mas safe. Kaya magpapaalam lang ako kay Luke, pagka

