Keitty's POV Nanginginig akong nagdoorbell sa unit ni sir Luke para ipaalam sa kanya ang nangyari. Sobra akong nasaktan ng sabihin ni Pearl na lilipat na siya. Gabi na rin at kailangan ko ng ipaalam 'to kay sir Luke habang maaga pa. "Sino 'yan?" rinig ko pang tanong niya mula sa loob. At binuksan naman niya ang pinto. "Oh, 'di ba ikaw yung kaibigan ni Ellaine- I mean Pearl?" tanong niya. "O-oo," sabi ko at nanginginig pa rin ang buong katawan ko pati na rin ang labi kong nagsasalita. "Anong nangyari? Bakit ganyan itsura mo?" tanong naman niya. At nakatingin lang siya sa'kin dahil yata sa naging kalagayan ko. Sa palagay ko kasi ang pula ko ngayon tapos nagpapawis pa ako at nanginginig din ang katawan ko na hindi ko alam kung nahalata niya ang panginginig ko. "M-may sasabihin lang

