Kabanata 50

3406 Words

Bahag man ang kanyang buntot na harapin ang binatang ngayon ay mariin ang titig sa kanya ay nilabanan niya ang kanyang kaduwagan. Hindi siya nagtaingang kawali dahil sa umpisa pa lamang ay ang binata ang kadahilanan kung bakit niya sinundan ang tenyente sa pook na ngayon siya ay naroroon. Humugot siya ng matinding lakas upang harapin ito sapagkat hindi naman talaga madaling harapin ang isang tao kapag ikaw ay mayroong malaking kasalanan at atrasong naigawad dito. Mababaw ang kanyang luha sa ngayon at hindi niya ito kayang pigilang hindi bumadiya. Hinayaan niyang malugmok sa kumunoy ng salimuot ang kanyang katauhan. Kung iisiping mabuti at ipapamukha sa kanyang sarili, makapal ang kanyang mukhang nagkaroon pa talaga siya ng lakas na balingan ng tingin ito at humarap sa binatang ngayon ay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD