Unti-unti nang humantong ang madaling araw ngunit hindi pa rin kayang ipikit ni Diego ang kanyang mga mata. Iniisip pa rin niya ang kalagayan ngayon ng Tenyente Agoncillo at sa mag-ina nito lalo na sa kanyang pinsang si Luciano. Ipinagdasal niya nang paulit-ulit na sana'y makatungo ang mga iyon sa Bundok Awaaw ng ligtas at hindi madakip ng mga alagad ng batas. Sa kabilang banda'y ganoon din ang natamasa ni Hector kaya kagaya ni Diego'y tumungo rin ito sa labas ng kubo at nabiglang matunghayang kagaya niya'y hindi pa nagpapahinga ang binata. Nagdadalawang-isip siyang lapitan ito ngunit naglakas siya ng loob upang tumungo sa kinaroroonan nito at umupo sa tabi nito. Tuluyan nga niyang nagawa ngunit singkatulad ng paligid ang katahimikan sa kanilang pagitan hanggang sa binasag ni Hector ang

