Ang mga alon ngayon ay tumatalsik sa kanyang mga paa. Mga buhanging maninipis ay kanyang unti-unting naaapakan habang kanyang kasalukuyang hawak ang lambat para sa kanyang pangingisda. Kaibahan man ang kanyang ngayong pinagkakaabalahan sa kanyang dating buhay ay hindi niya iniinda. Ang init ng araw ay kanyang lubusang natatamasa. Dahan-dahan siyang sumakay sa kanyang maliit na bangka. Tumingin siya sa gawi ng kanyang mga kasamahang mangingisda na ngayon ay abala rin sa pagpapaandar sa kani-kanilang mga bangka. Iilang mga araw na ang nagdaan. Kanya ring natutunan ang pamumuhay ng mga simpleng mamamayan na ang tanging kabuhayan ay ang pagkuha ng mga lamang-dagat sa malawak na karagatan. Inihagis na ni Diego ang lambat sa tubig-alat at mahigpit niya itong hinawakan. Ang noong maputing kut

