Nakipag-kita si Allyrissa kay Veniscio at pareho pa talaga silang parang walang gana sa araw na iyon. Na-isipan nilang mag-ice cream sa laging pinupuntahan ni Lita at Allyrissa. "So, napano ka pulubi? Anong laman ng letter?" Tanong ni Veniscio. Nag-shrug si Allyrissa habang nakasimangot. "Ang sabi lang niya ay mag-move na daw ako. Ang sabi niya, huwag na daw siyang kontakin... naiiyak ako dahil parang ang dali lang para sa kanya," nag-sniff si Allyrissa at pinipigilan na hindi ma-iyak. "Isinulat nga niya diba? Ibig sabihin non ay nahihirapan din siyang sabihin saiyo ang totoo," comment ni Veniscio and he licked on his icecream. Na-touch naman doon si Allyrissa. May point si singkit, alam niyang may deep reason pa si Lita and she's still waiting for that. Pero may isa pa siyang letter

