28 Allyrissa's POV Nag-lalakad ako patungo sa sakayan nang may biglang pumulupot sa braso ko't humila saakin. Pag-lingon ko ay si Ford pala. Ano nanaman kaya problema nito? Sumusulpot lang to kahit saan ah! "Dalawampung minuto, manghihiram ako," sabi ni Ford na humihingal. Ano? "Bakit? Para saan ba ang twenty minutes?" I curiously asked. "Para saan nga ba? Hmm... para sa'yo. Halika na!" Hindi man lang niya ako pina-sagot at hinila niya ulit ako sabay takbo. Hindi ko alam kung saan kami papunta basta'y sunod lang ako ng sunod sa kanya. He even looked back at me while we're still running at tumawa lang. Ang ganda ng ngite niya. Nalilimutan ko tuloy ang sakit na pinaparamdam saakin sa bahay at ni Michael. Na-iiyak ako tuwing naa-alala ko ang mga sinabi ni papa lalo na ang parang w

