Chapter 31

1314 Words

31. Yllona Eloise Del Fuente's POV (Bago dumating si Yovanni sa kuwarto niya) Ramdam ko na ang pagkalat ng takot sa dibdib ko habang pilit kong pinapakalma ang sarili, para makapag-isip ako ng puwede kong gawin para makatakas ng hindi nakikita o hindi namamalayan ng taong nagpupumilit pumasok ngayon sa kuwarto ko. Pero hindi ko magawang kumalma sa bawat sapilitang pagbukas ng pintuan ng sliding door ng kuwarto ko. Ang pinagdarasal ko na lang ngayon ay sana maisipan ni Zion na bumalik dito ngayon. Napabaling ako sa gawi ng beranda kahit na hindi ko 'yon maaninag dahil sa pagkakatago ko sa gilid ng book shelves ko, kasabay ng tuluyang paghinto ng tunog mula sa roon. Lalong dumoble ang kalabog ng puso ko dahil sa panandaliang pagtahimik ng paligid. Wala na ba siya? Lakas loob ba bahag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD