21. "Eloise! Finally, you're here! Ang akala ko hindi ka na pupunta. I was worried," ang tila ay nag-aalala na sambit ni Leslie ng makalapit sa amin. Hinawakan niya pa ang kamay ko na tila ay totoong nag-aalala talaga. Napabaling siya kay Zion at saglit na natulala. "Oh my gosh! Who's this handsome —don't tell me his your date?" "Good evening, Ma'am. I'm miss Del Fuente's personal bodyguard," si Zion. Muling sumilay ang ngiti ni Leslie at malanding pinasadahan ng tingin si Zion. "Personal bodyguard? You're too handsome for this job. How about you marry—aww!" hiyaw niya ng hinigpitan ko ang pagkakahawak din sa kamay niya. Bahagya akong ngumiti. "Salamat sa pag-aalala mo sa 'kin, at pasensya na dahil mukhang nadismaya kayong makita ako rito," ang pag-iiba ko ng isapat, at para paringgan

