Ilang araw ang nagdaan pero kahit anong pagmakaawa para sa kalayaan ko ay nabibigo lamang ako sa bawat hakbang na ginagawa ko upang makatakas ay masasaktan lamang ako. Pinalibot ko ang aking mga tingin sa loob ng apat na sulok ng kwartong to. Kahit ang balcony ay naka lock ang pintuan maging ang mga bintina. Sinisiguro ni Xavier na hindi niya maiiwang bukas ang pintuan. Maging ang labas ng pintuan ay may dalawang llaking nagbabantay sa akin. Napatingin ako sa mga pasa ng aking mga kamay at paa. Tila nangingitim pa ang mga ito at ang iba ay nawawala. Tanging ako lamang ang nagpapahirap sa sarili ko. Napakasakit isipin na dinadanas ko ang mga bagay na ito. Hanggang ngayon hindi ko maintindihan kung papaanu ako umabot sa ganitong sitwasyon. Paanu ba umabot ang mga bagay na ito? Paanu

