Chapter 34 - Refusal

3524 Words

Isang umaga, abala ang tatlong magkakaibigan sa bahay nina Hephaestus dahil inimbitahan ni Mitch ang mga ito upang doon mananghalian. Maghahanda ang mga ito ng espesyal na filipino cuisine gamit ang nalalaman ng tatlo at para na rin makapagkwentuhan. "Ilang oras bago pakuluan ang baka na ito?" tanong niya habang sinasalin sa kalan ang pressure cooker na may lamang beef cubes cut. "Mga tatlo o hanggang apat na oras para malambot," tugon ni Khorie. Nasa kusina sila habang naghihiwa si Khorie ng mga gulay ng isasahog sa baka. Si Jho naman ay nakatuon ang mukha nito sa laptop habang may tinitingnang files. Siya naman ay tinulungan na rin ang kaibigang maghihiwa ng iba pang kakailanganin. "Ganito ba ang hitsura ng babaeng iyon, Mitch?" tanong ni Jho sabay itinuro ang screen ng laptop.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD