"Ladies, pinatawag ko kayo para sa isang confirmation upang malaman ko at ng iba pang naririto kung bakit gusto niyong makita ang mahiwagang libro. I know that you have something to tell us. Nalaman ko na ang bagay na ito ngunit gusto ko lang malaman mula sa inyo kung ano ang kinalaman niyo sa flaming blades. According to my source, you have this odd thing," seryosong wika ni Sifu na ngayo'y nasa isang kwarto sila ng Root Valley. Mula kahapon na may hindi magandang nangyari sa Kingdom of Valley at naihayag nina Jho at Khorie ang tungkol sa katana, agad na pinatawag sila ng Head of Society na si Sifu. Hindi na rin tumanggi ang dalawang babae kaya sila naroon kasama ang mga ito. "Sir, nabanggit ko na po kahapon ang tungkol diyan kaya sapat na iyon para malaman ng lahat na hawak namin ang

