TIFFANY
Nasa frontseat ako ngayun at katabi konga si angela medyo kinakabahan ako ngayun lalo na nong sabihin sakin ni gela na may pagka strikto si Nick
"Kinakabahan ka noh?" Natatawang tanong ni gela, sino namang hindi kakabahan? Tss
"Wag ka ngang kabahan dapat nga sobrang saya mo kasi napakaswerte mo, swerte ka dahil magiging asawa mo si Nick ang Napakagwapong lalaki at meron syang 6 pack abs YUMMYYY."Kahit kailan ang likot nang isip nya, bastos.
"Ikaw nalang kaya?". Sarkastikong sabi ko saka kinuha ang phone ko at dahil walang magawa, naglaro nalang ako nang Minecraft.
"Kung pwede lang". Iling iling na sagot neto.
Si Angel ang pinakapaborito ko sa lahat nang mga best friends ko.
Ang sarap nyang kasama matatawa ka sakanya at higit salahat matulungin sya di sya maisip.
"Ihanda mo sarili mo Tiff, malapit na tayo". Tumango lang ako saka sinuklay ang buhok ko at pinotail ko ulit saka naglagay ako nang pulbo at kunting liptint.
Kinuha ko ang pabango na bigay ni bakla VICTORIA SECRET, magpapabango ako nakakahiya naman sa Boss ko mamaya kung mabaho ako diba.
Maya mayay tumigil ang sasakyan ni Gela sa harap nang malaking bahay na puro garden ang paligid.
Sino kayang may ari nang ganitong kalaking bahay-mansion ata to kung tawagin.
Nakakamangha.
"Ang ganda talaga nang mansion nya". Sabi ni gela saka napailing iling.
Bumaba na kami sa sasakyan saka pumasok sa malaking mansion pero may humarang saaming malaking dalawang tao.
"Maaari kopobang malaman kong sino kayo, hindi po nagpapapasok si Sir nng tao ngayun". Tanong nong isang malaking lalaki.
"Aswang po kami so pwede kaming pumasok." Naiinis na bulyaw ni gela sa malaking taong nagbabantay ata or Guard ng mansion.
"Kayganda ko namang aswang."Bulong ko dto saka sya napa eww.
"Mr. Alter expected us."Auh so bahay to nang magiging asawa ko? Yayamanin!
"Ikaw poba si Angelo Portes?" Sagot nung isang lalaki.
"Correction, Angela-Angela Portes." Maarteng sabat nito.
"Pasok po, andun po si Sir sa Sala." Nang makapasok kami may matandang babae na sumalubong daamin, di naman ganun katanda mga md40' s
"Magandang araw sa inyong dalawa andun po si sir sa sala."Nag bow sya samin saka umalis.
Taray ahh
"Hey Nick ito nayung sinasabi ko sayo." Sabay turo sakin kaya napatingin ako sa Nick na sinasabi niya--Woohhhh tao bato? Bat sobra namang gwapo? Nakita kona sya sa picture sa phone ni bakla gwapo sya don pero di ko inaasahan na mas gwapo sya sa personal!. Ang gwapo naman.
Naramdaman kong kinukurot ako ni bakla sa tagiliran ko.
"Kadiri ka tiff, yung bunganga mo!"Bulong nito saka ko lang nalaman na naka buka pala ang bibig ko.
"Okay ba Nick?"Tinignan ako ni Nick mula ulo hanggang Paa,kaya diko mapigilan ang mamutla. Nakakahiya e naiilang ako.
"Okay kalang tiff?"Napansin siguro ni gela na namumutla ako. Tumango ako bilang sagot.
"Sya bayong sinasabi mo si S-s-tephanie?" Stephanie? The heck kailan pa naging stephanie ang Tiffany?
"Tiffany,-Tiffany Lythe Hilario, Ang ganda nya Nick no?"Natatawang sabi ni gela rito.
Napailing nalang si Nick.
"Sige alis naako" Wuhat? Iiwan nyako? Kinalabit kosya bago makaalis.
"Angela naman!"nanginginig na sabi ko rito saka sya tumawang malakas.
"Jan naman ang asawa mo eh". Sigaw nito kaya napatingin ako kay Nick na nakatingin din saamin. Kumunot ang noo nyanong napansin nyang tumitingin ako sakanya kaya ibinalik ko ang tingin ko kay Gela.
"Cge babye-hoy Nick alagaan moto kundi malilintikan kasakin,mahal kita pero mas mahal ko ang bespren ko".napAngiti ako sa sinabi nya.
Pero nawala ang ngiti ko sa idea'ng maiiwan ako dito kasama tong lalaki na parang God ang itsura.
Umalis na si gela at kami nalang ni Nick ang natira, #awkward
"What are you waiting for?"tanong ni Nick sakin pero sa newspaper parin ang tingin nya.
Dali dali akong umupo sa harap nang inuupuan nya.
Walang may bumasag sa katahimikan hanggang sa may pumasok na maid at naglagay nang desserts at tea, taray auh.
"So Tiffany right?." Sa ilang minuto kaming naka upo dito ngayun lng sya nagtanong.
"Opo" Sagot ko rito, naiilang talaga ako.
"I'm just 26 and I'm soon to be your husband kaya wag mokong i-opo,I guess aware kana sa magiging trabaho mo."26 na sya bat parang 16 lang, parang si shin won ho ang idol ko sa Legend of the blue sea ang cute at gwapo.
"Oo naman k-kuya"Ano ngaba ang itatawag ko sakanya.
Kumain ako nang dessert dito sayang di naman kinakain ni Nick e andami pa naman.
"Kuya? what's with you woman?I thought aware kana sa trabaho mo, You'll act as my wife ta's tatawagin mo'kong kuya?" Nabilaukan ako sa sinabi nya, kaya ininom ko ang tea.Oo nga naman!Bakit ang Bobo ko ngayon?
"Call me babe,baby,darling or anything para naman kapanipaniwala,"Lumaki ang mga mata ko sa bigla.
ang ko-corny ng endearments na'yon eh!
"arang corny naman ata ng mga iyun?". Nahihiyang sagot ko alam kong namumula ako ngayun dahil nang iinit ang pisngi ko.
"Just call me Baby." Simpleng sagot nito saka umalis at ewan kokong san paunta to.
Uuwi na sana ako pero pano wala si gela diko alam kong may taxi dito, wala namang dumaan kanina nung papunta kami dito ni gela.
"Follow me"Iritadong saad nito na di manlang ako tinapunan nang tingin, dere-deretso lang sya sa paglakad.
Sumunod naman ako sa kanya, papunta kami sa taas.
Dalawang pinto lang ang meron so ibig sabihin malaki ang isang kwarto, malapad to at dalawang kwarto lang ang meron.
Pumasok kami sa unang pinto, dinga ako nagkamali ang laki laki nga nito,eh yung bahay namin kalahati lang nito, ang yaman yaman nya talaga.
"This is our room"OUR? Ibig sabihin iisa lang g magiging kwarto?
"Anong?!...hati tayo dito?". Reklamo ko kayat tiningnan nyako nang masama.
Eh sa diako sanay namay katabi akong lalaki e
"Asawa kita,asawa moko, mag asawa tayo,it means we will sleep together". Namula ako sa sinabi nya. "May mag asawa bang natutulog sa magkaibang kwarto?"naiinis na dagdag nito
"Hi-hindi p-pa tayo m-mag-asawa". Nauutal kong sabat rito.
Nakita ko yung foam ang laki-laki naman, malambot siguro yan,saamin kasi manipis lang at sira sira pa.
"Dun rin yung punta non." Nakangisi nyang sabi saka umupo sa foam, malambot nga ang foam kaya umupo din ako.
Ang sarap sa feeling, ansarap siguro tulugan to.
"Before I forgot". Sabi nya na saka tumayo at may kinuhang papel sa drawer at ibinigay sakin
"Ano to?". Curious kong tanong.
"Paper."Pilosopo si bab-e este Nick sarap batukan
"Alam ko,"I rolled my eyes "I mean para saan ito?." Di na sya sumagot itinuro nya nalang ang nakalagay sa papel saka umalis ewan ko kong san pumunta.
Binasa ko na ang nakalagay.
Mga Rules pala to e. Bat kailangan may Rules pa?
Rule #1:You are not allowed to have relationship with someone,after this contracts end.
Bwesit pati yun? Eh pano yung Si doctor Tash? Bawal din sya?
Rule #2:Be sweet all the time.
Alam ko naman na yun. Mag asawa nga e diba?
Rule#3:You need to take care of me,cook for me and prepare my things every morning.
Ang usapan asawa lang hindi maid. Ibang klase din sya a.
Rule#4:You must always obey me, don't be stubborn.
Maid lng talaga ang peg?
Rule#5: always ask my permission before you leave.
Pati whereabouts ko pakekealaman nya!
Rule#6 always wear your wedding ring.
Wala ngang binigay na singsing e
Rule#6:And last, don't you ever fall in love with me.
Opkorss naman, imposibling mahulog ako sa isang kagaya nya gwapo nga suplado naman.
Sa ilalim nang papel may pirma ni nick sa ilalim nang pangalan nya at sa gilid nito may pangalan ko at sa ibabaw ay may kailangang permahan.
Buti nalang at may dalaakong ballpen sa bag ko kaya dalidali ko itong Kinuh at penermahan.
Hindi lang pala isa ang papel nato dahil may naka ipit na isa pa kaya tinignan ko ito.
Ano ngabang tawag dito?
Basta marriage thingy.
May perma narin ni nick at ang akin nalang ang wala.
Kapag penermahan koto ibig sabihin kasal naako kay Nick.
Dinaako nagdalawang isip penermahan kona.
Di ako makapaniwala woohhh.
Haysst kasal nako ngayun.
Asawa na talaga ako.
Saktong 10 am na kaya ngayong araw at ganitong oras nakasal ako.
Isa naakong ALTER.
Tiffany Lythe Alter, Naako.
Mrs. Alter
Mahirap paniwalaan pero totoo na talaga to. Bawal na ang mag backout.
Hayst ewan.
Toktoktok.
Rinig kong may kumatok.
"Pasok po"
Baka isa ito sa mga maids ni nick dahil kong si Nick ito papasok lang ito.
"Mrs. Alter bigay po ni Sir Nick"Nabigla naman ako sa tawag nya sakin.
Inabot na sakin nung babae ang paperbag saka sya lumabas.
Binuksan ko ito at nakita ko ang maliit na box kaya agad ko itong kinuha at binuksan.
Namangha ako sa nakita ko ang ganda nitong singsing sakin bato?
Baka ito yung sinasabi nyang wedding ring na dapat lagi kong suotin.
Ang ganda naman nito halatang mamahalin, parang totoong gold kumikintab sya talaga.
Agad ko itong sinoot kasya ito saakin.
Pano nya kaya nalaman ang size nang daliri ko?
Basta ang ganda, Eternity ang design kaya mas lalong gumanda.
Feeling ko tuloy ang swerte ko.
Tok tok tok.
May kumatok ulit.
"Pasok"Sagot ko nalang pero ang mata koy sa singsing nakatingin.
"Maam sabi ni sir ihahatid daw po kita muna sa bahay mo at sinabi nya rin na bukas kailangan mong bumalik dito" Nakangiting sabi sakin nang lalaki, driver siguro sya dito.
Ah oo nga pala kailangan ko naring bumisita kay tatay kaya sumabay naako sa lalaki papuntang labas.
"Hintayin mopo ako dito maam" Pagpaalam nya.
Maya maya lang ay may tumigil na sasakyan sa harap ko at lumabas doon ang lalaki kanina, pinagbuksan nyaako nang pinto, TARAYY KO AHH.
Pumasok naman ako. Saka sya bumalik sa driver seat
"Maam san po kita ihahatid?"Tanong nito habang tumitingin saakin gamit ang Salamin sa taas.
"Sa Lys Hospital lang" Sagot ko.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••
I'm accepting negative comments as long as it can help the book to be better ,like, your hates and what you do not like with the book and you can suggest too,maybe I can fix your problem with my work or I can make you like this instead of hating this.