Kabanata 5

1003 Words
Lumipas ang ilang taon. Nakapagtapos na din silang dalawa sa kolehiyo. Siya bilang Doctor at si Kelly bilang Army. Sabay din silang umamin sa kanilang mga magulang. Naaalala niya pa ang araw na iyon, araw na hindi ang mga ito makapaniwala "Ano ba kasing gagawin natin dito Gail Ericka?" Pangungulit ng kaniyang mama. Kanina pa kasi ito tanong nang tanong ngunit nanatili siyang tikom para hindi masayang ang plano nila ni Kelly. Pupunta din ang mga magulang nito. Ngayon nila napag desisyunang umamin sa kanilang mga magulang. "Ma, chill ka lang kasi. Tara kain muna tayo." Aya niya dito sa isang lamesa. Alam naman kasi niyang nagugutom na ito kaya nagtext siya kay Kelly na mauuna silang kumain ng kahit kaunti lang. Nag order siya ng spaghetti at juice. Sabay nila iyong kinaing mag-ina. "May hinihintay ba tayo, nak?" Tanong na naman ng kaniyang ina habang sumisipsip sa hawak na juice. Sasagot na sana siya pero may nagsalita sa gilid niya. Agad siyang napalingon kay Kelly. Nakangiti ito pero halata pa ding kinakabahan. Hinawakan niya ito sa kamay saka pinisil iyon. Napahinga kaming dalawa ng malalim. Nagmano muna siya sa mga magulang ni Kelly na parehas ding nakangiti. Close na kasi sila dito. Pagkatapos niyon ay sabay-sabay silang naupo. Naghari ang katahimikan sa lamesa. Hindi alam kong sino ang unang magsasalita. "Much better if we eat first. Ako na po mag-oorder." Biglang sabi ni Kelly na siyang bumasag sa katahimikan. Sinamahan ko na din siya papunta sa counter. "Hey, are you nervous?" Nag-aalalang tanong nito habang pumipila kami. Napatango lang ako kaya hinawakan nito ang kamay ko. Nagulat man pero hindi ko nalang pinahalata iyon. "Don't be. Andito ako." Saad nito saka ako binigyan ng ngiti. Napangiti na din ako at nagbayad na bago dalhin ang pagkain sa mesa. Naabutan namin ang mga magulang namin na nag-uusap. "Ma, Tita, Tito. Kain na po tayo." Sabi ko kaya kaniya-kaniya silang ayos. Nagsimula na din kaming kumain. Sa kalagitnaan na kami nang biglang magsalita si tito Kerwin, papa ni Kelly. "So what are we going to talk about?" Tanong nito habang pinupunasan ang gilid ng labi. Nagkatingin lang kami ni Kelly at tumango sa isa't isa. "Gusto ko po ang anak niyo." Pag-amin nito habang diretsong nakatingin kay mama. Kita ko ang gulat na ekspresiyon sa mukha ni mama. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawa. Nang magawi naman ang tingin ko sa magulang ni Kelly ay wala manlang halong gulat doon. Sa katuringan ay ngumiti pa ang mga ito sa'kin kaya maluha-luha akong ngumiti din sa kanila. "May gusto ka?" Tanong nito habang nakaturo sa akin. Napayuko lang ako dahil sa pamumula. " Opo tita. I like your daughter." Seryosong sabi nito kaya kahit nanginginig sa kaba ay nagsalita na din ako. "Uhm.. M-ma.. G-Gusto ko din po siya." Amin ko habang namumula. Tahimik lang naman sila tita at tito ngunit ng sulyapan ko si Kelly ay gulat iyo, namumula ang pisngi habang may kakaibang emosyon sa mata. "Gusto mo ko?" Walang boses na tanong nito. Tumango lang ako. Akma ako nitong yayakapin ngunit hindi natuloy dahil sa isang kamay na pumigil sa amin. "Hep. Bawal muna. Andito pa kami oh." Masungit na sabi ni mama habang nakataas ang kilay. Natawa naman ang mga magulang ni Kelly. Sa tingin ko ay matagal nang alam ng mga ito na nagkakagusto sa babae ang kanilang anak. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo, Iha?" Seryosong tanong ni mama kapagkuwan. Tumango lang si Kelly at masuyo akong sinulyapan. "Sure na sure? Peksman?" Seryosong tanong nito na muntik ko ng ikatampal sa'king noo. Kahit kailan talaga si mama ayaw mag seryoso. "Opo tita. Alam kong mahirap po ang sitwasiyon naming dalawa ngunit kaya kong maging better para sa anak niyo. Alam kong deserve niyang maging masaya kaya hindi ko po sisirain ang tiwala niyo." Litanya nito kaya maluha-luha akong lumingon dito. "That's my daughter." Bulong ni tito kaya lalo akong naluha. Doon palang ay alam kong wala ng problema sa kanila. "Oh siya sige, kong saan masaya ang anak ko ay doon ako. Alam ko namang mapagkakatiwalaan kita. Basta tatapusin niyo muna ang pag-aaral niyo. Maliwanag?" Seryosong sabi nito habang tumataas-taas ang kilay. Agad kong nayakap si mama dahil doon. "Thank you ma, I love you." Bulong ko. Hinagod lang ako nito sa likod. "Mahal din kita, nak." Pagkatapos ng tagpong iyon ay nagpursige kaming dalawa ni Kelly na makapagtapos. Andaming dumating na pagsubok ngunit nalagpasan din naman. Mayroon pang naalala ko na muntik na kaming maghiwalay dahil nagpaanak ako ng babae. Ngunit alam ko namang naiintindihan niya ang trabaho ko. Date lang naman ang katapat ng babaeng iyon. "Baby." Ungot nito habang naka back hug sa'kin. Natirik ko lang ang mata ko. Nagpapa baby na naman kasi siya. Wala namang problema sa'kin pero malelate na kasi siya sa trabaho. "Lagi ka nalang late, Captain Kelly." Sabi ko at inalis ang kamay nito sa tiyan ko. Humarap ako dito at mabilis siyang hinalikan sa labi. "Penge pang kiss." Ungot nito habang naka pout. Natawa ko dahil doon. Hindi ko kasi aakalaing kaya niyang maging ganito. Noong bago palang kasi kami ang seryoso niya masyado. Hinalikan ko siya ng mariin habang nakayakap ang dalawang kamay sa leeg niya. Lalo naman nitong pinalalim kaya napadaing ako. 'She's really was good at kissing. Before 'til now.' "Hmm, hey w-wait— hmm sht." I moan again when she squeeze my butt. Natampal ko ang kamay niya kaya natatawang lumayo ito. "Namimihasa ah. Siya sige, larga na. Malelate ka na. Be safe okay, I love you baby." Saad ko at mabilis siyang hinalikan sa leeg. Napahinga lang ito ng malalim saka ako hinalikan sa noo. Napangiti ako dahil doon. Araw-araw talaga siyang sweet. Maalaga pa. "Take care okay, I love you more baby." Bulong nito at saka kumaway sa'kin.Hinatid ko ito sa tapat ng bahay habang seryoso naman itong naglalagay ng seatbelt. "Hey update me kapag nakarating ka na." Habol ko pa. Sumaludo lang ito. "Yes, Doc." Huling sabi nito bago pinaharurot ang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD