CHAPTER 6: My Birthday

1027 Words
-=Joross Point of View=- Lumipas ang mga araw na nakakasama ko pa din si William sa tuwing may libre akong oras, hindi na lang basta kaibigan ang turingan namin sa isa't isa, naging mas higit pa kami sa magkaibigan nito, not the romantic way of course, dahil nakakatandang kapatid lang ang tingin ko sa kanya at alam kong nakakabatang kapatid naman ang tingin nito sa akin Sa mga pag-uusap naming iyon ay nalaman ko din ang totoo mula dito, na gaya ko din ito, na isa din itong bakla na katulad ko at habang nakakausap ko ito ay kahit paano ay nawawala ang takot sa dibdib ko na harapin ang kinabukasan, naikuwento din nito sa akin ang tungkol sa lalaking minahal nito noong kabataan nito na matalik nitong kaibigan. "Hindi ka ba nanghinayang na hindi naging kayo?" malungkot kong tanong dito. Hindi ko maiwasang hindi makarelate sa kuwento nito. "Nanghinayang siyempre, pero hindi ko naman siya puwedeng pilitin na mahalin din niya ako, may mga bagay sa mundo na hindi natin puwedeng ipilit." paliwanag nito, bigla ko tuloy naalala ang first love ko noong high school, kahit kasi lumipas ang mga taon at matagal ko na ding hindi ito nakikita ay hindi pa din nawawala ang nararamdaman ko para dito. Naisip ko tuloy kung magiging kapareho kaya ako ni William. Halos pareho kami ng pinagdaanan sa taong una naming minahal, ang kaibahan nga lang ay best friend nito ang minahal nito which I guess ay mas mahirap sa part nito, samantalang ako ay hindi ko best friend ang unang lalaking minahal ko. Habang tumatagal ay mas lalong lumalapit ang loob ko kay William, lahat ng magaganda at kahit hindi kagandahan ay siya ang lagi kong napagsasabihan, ngayon ko nararamdaman na hindi ako nag-iisa sa mundo na merong tao na makakaintindi sa akin. Nagpatuloy ang buhay para sa akin, naging maayos na ang trabaho ko, muli kong nabalik ang nawalan kong gana sa pagtatrabaho at maliban pa doon ay hindi na din ako masyadong nag-iisip ng masama, at lahat ng iyon ay utang na loob ko kay William. He made me realized na madami akong dapat ipagpasalamat sa buhay, na lagi kong tignan ang mga mabubuting nangyayari sa buhay ko at huwag ang mga pangit. Naging maayos na sa akin ang lahat, nagpatuloy ako sa pinagtatrabahuan ko, dumaan ang mga linggo hanggang sa marealized ko na lang na apat na buwan na din pala ang lumipas nang pagtangkaan kong kitlin ang sarili kong buhay. "Happy birthday!" nagising ako mula sa pagbating iyon ni Mommy, saka ko lang naalala na birthday ko na pala ngayong araw, meaning ay thirty na ako, kung noon, ang unang papasok sa isip ko ay sampung taon na lang ang hihintayin ko bago ko gustong mawala sa mundo, pero ngayon ay ibang iba na ang nasa isip ko. Sayang nga lang talaga at hindi ako nakapagfile ng VL, pero ok na din siguro iyon dahil gusto kong makita si William ngayon. "Anong balak mo ngayong birthday mo?" tanong ni Mommy. "Wala naman po, may pasok kasi." sagot ko dito. "Order na lang tayo ng Pizza mamaya." ang sinabi ni Mommy na agad kong sinang-ayunan. Nagmamadali naman akong nag-ayos papasok sa trabaho, at matapos nga noon ay sumakay na ako ng bus, pagkababa sa naturang bus nang makarating na ako sa destinasyon ay naisipan ko munang dumaan sa isang fast food, bumili ako ng pagkain na pagsasaluhan namin ni William. mabuti na lang talaga at may natira pa akong pera. Minabuti ko na muna ding itago ang binili kong pagkain, mahirap na at baka makantiyawan pa ako ng mga katrabaho ko na siyang nangyari mismo. "Next birthday ko na lang." ang natatawang biro ko sa kanila, kinausap ko na din si TM na maghahalf day ako ngayong araw, mabuti na lang talaga at pumayag din ito dahil hindi naman daw masyadong mabigat ang trabaho ngayon. Bandang alas dos nang magpaalam na ako sa mga katrabaho ko, at bago dumiretso sa rooftop ay kinuha ko na muna ang binili kong pagkain sa locker. Hindi ko agad nakita si William nang makarating na ako sa rooftop kaya naman minabuti kong hintayin ito. "Nasaan na kaya iyon?" sa loob loob ko nang lumipas ang twenty minutes, pero wala pa din ito doon. Dati rati naman ay maaga itong dumadating dahil iyong oras ang napag-usapan naming magkikita kami. Sinubukan kong tawagan ang cellphone number na binigay nito sa akin, pero ni hindi man lang ako nakarinig ng ring ng dinial ko ang numero nito. Mas lalo akong nag-alala nang mahigit isang oras na ang nakakalipas, pero wala pa din ito, minabuti kong maghintay pero dalawang oras na din ay wala pa din ito, alam kong hindi nito rest day dahil pareho kami ng rest day nito. Minabuti kong ipagtanong ito, nakakatawa lang dahil sa tagal na naming magkakilala ay hindi ko natanong kung saang kumpanya ito.  May twenty four floor kasi sa building kung saan ang opisina namin, tatlo sa floor ng building ay inuupahan ng company namin at iba't ibang kumpanya naman ang umuupa sa iba pang mga floors kaya alam kong mahihirapan akong hanapin si William, pero hindi ako pinanghinaan ng loob ko. Naisipan kong magtanong na muna sa front desk sa ground floor ng building, ngunit matapos kong sabihin ang pangalan at idescribe dito ang itsura ni William ay hindi daw nito iyon kilala, nagpatuloy ako sa pagtaatanong, sinimula ko sa baba hanggang pataas ng pataas, pero napuntahan ko na ang lahat ng floor, pero hindi ko nahanap si William. "Nasaan ka na ba?" kinakabahang tanonng ko sa sarili, minabuti kong bumalik na muna sa rooftop at baka nagkasalisi lang kami nito, ngunit hanggang sa makarating ako doon ay hindi ko ito nakita. Hanggang sa magsiuwian na ang mga katrabaho ko ay hindi ko pa din nakita si William, minabuti kong umuwi na lang at baka absent lang naman ito, pinangako ko sa sarili na aagahan ko ang pasok bukas. Laylay ang balikat nang umuwi ako sa bahay, kahit paano ay gumaan ang loob ko ng makita ko ang biniling pagkain ng mga magulang ko. Kahit nalulungkot dahil hindi ko nakasama ang matalik kong kaibigan ay hindi ko na masyado iyong ininda, sigurado naman na magkikita kami nito bukas at sisiguraduhin kong aawayin ko talaga ito, kahit na nga ba mas matanda ito sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD