-=Joross Point of View=- Nakatanaw lang ako sa labas habang sakay ng sasakyan na dala nang lalaking nagbigay sa akin ng sulat ni William, hindi ko alam kung saan ba talaga kami nito pupunta, dahil wala naman itong sinabi at kahit ako man ay parang wala ding lakas na makipag-usap dito. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din matanggap na wala na si William, na hindi ko na makikita ang mga ngiti nito, na maririnig ang mga kuwento at pagpapayo nito sa akin sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob. Nalulungkot ako dahil pakiramdam ko ay hindi ko naiparamdam sa kanya kung gaano ko siya pinapasalamatan at kung gaano siya kaimportante sa buhay ko. "Nandito na tayo." nagulat na lang ako nang marinig ko ang sinabing iyon nang naturang lalaki, at doon ko lang napagtanto na nakapark na pala ang kotseng si

