KATANA POV In the Naked Island Mabilis na lumipas ang araw at tuluyan ng dumating ang araw na pinakahihintay ko ngunit hindi naman ako ngayon mapakali dahil dalawang oras nalang at lilitaw na sa kalangitan ang kulay asul na buwan, isang palatandaan ng pagsisimula ng pag-iisang dibdib namin ni Adam. “Bakit wala pa sila?” nag-aalalang tanong ko sa aking mga kasama. Narito na ang lahat pero ang groom ko wala pa rin. “Huwag ka ngang mapraning diyan bes,” Valeriana said to me. Nasa tabi naman nito si Kaius. “Magtiwala ka na magtatagumpay sina Zach at Sandara na dalhin dito si Adam.” I took a deep breath to compose myself. She’s right. I need to trust them and to stick to what we had planned. FLASHBACK Hindi ko na nagawa pang mag-paalam kay Adam dahil siguradong hindi ito kakayanin

