SOMEONE POV Matapos lumapag sa buhanginan ang mga dragon ng kapwa niya Diyos ay agad ang mga itong inanyayahan ni Katana na pumunta muna sa Forbidden Cave, sa kaniyang sagradong tahanan. Kahit na miss na miss niya na si Adam sa sandaling ito ay hindi pa niya ito puwedeng puntahan dahil kailangan niya munang asikasuhin ang kaniyang mga bisita. At isa pa, sina Kaius at Sandara palang ang nakakaalam patungkol sa relasyon niya kay Adam at takot siyang malaman ng dalawa pang Diyos ang patungkol rito. She’s afraid of their judgment because she knew that her relationship with Adam was forbidden. Kaya naman ang nararapat niya lang na gawin sa pagkakataon na ito ay pagmasdan si Adam sa malayo gamit ang kaniyang makapangyarihang mga mata. Pero nakakapagtaka lang because she can’t see Adam rig

