CHAPTER 29

1527 Words
KATANA POV “Hindi ba natin hihintayin si Damon?” Kaagad umikot ang mga mata ko ng marinig ko iyon kay Empress. Hindi lang pala ako kundi pati na rin ang dalawa pang Diyosa na kasama namin. Parati nalang niya kasi iyang naitatanong sa tuwing magsisimula na ang meeting namin. “Ang kapal naman ng mukha niya para magpakita pa rito pagkatapos niyang atakehin ang Gourmet Island!” Nagulat naman akong napatingin kay Sandara pagkatapos niyang sabihin iyon. Gourmet Island is the island that she created and it only means that my island was not the only one that Damon’s armies attacked. Tama nga ako ng hinala noong araw na iyon. Napansin ko rin na madilim ang anyo ng iba pang mga Gods at Goddesses maliban lang kay Empress. Don’t tell me lahat ng islang pagmamay-ari namin ay dumanas rin ng iisang kapalaran sa kamay ni Damon except for the island that Empress owned? Then that means, he is obviously proclaiming a war toward us. Pwes, ibibigay namin iyan sa kaniya. Pero nakakapagtaka naman na may isang isla itong hindi inatake? Kunot noo kong tiningnan si Empress. May espesyal na relasyon ba na namamagitan sa kanilang dalawa ng God of Wrath? “He didn’t attack my island though,” pagmamayabang pa ni Empress sa aming lahat. I smirk. “Just wait for your turn, Empress. Para maramdaman mo rin ang nararamdaman namin ngayon. Tingnan lang natin kung magawa mo pang magyabang sa amin.” Natahimik naman ito sa sinabi ko. “So ibig sabihin nito ay ang EL ROYALE lang ang hindi inatake ni Damon nitong nakaraang araw?” Valeriana asked. EL ROYALE was the name of the island that Empress owned. I don’t know where she gets that name so please don’t ask me how she arrive from that name. Kaniya-kaniya kaming gawa niyan at walang pakialamanan.  Umiling si Zach. “Iyong Isla ko rin hindi,” he said and that was to be expected. Magkaibigan sila ng God of Wrath eh. Ano ba talaga ang iniisip ni Damon ngayon? As far as I know wala naman kaming atraso sa kaniya para gawin niya ito sa amin. “So what we should do next?”  Sandara seriously asked. Dahil sa tanong niyang iyan ay natuon ang lahat ng aming atensiyon sa kaniya. “Hindi pwedeng palampasin nalang natin ang ginawa niyang ito.” Pansamantala naman kaming lahat na natahimik kasi pinag-iisipan din namin ang susunod naming gagawin. Hindi pwedeng magpadalos-dalos nalang kami sa aming pagpapasya dahil baka mas maging worst pa ang sitwasyon namin rito sa Earth. Dahil kung magkaganun man ay hindi namin maiiwasang hindi ma-apektuhan ang mapayapang pamumuhay ng mga mortal sa mundong ito.  “But are we really sure that Damon was the one behind all of this messed?” Zach suddenly asked that suddenly made us confused. “We can’t just do an immediate action regarding about this issue without a valid proof that he was really behind all your accusations.” “Hindi pa ba sapat na proof ang mga demon na pinadala niya?” ramdam ko ang galit sa tono ng pananalita ni Sandara. “He’s the only God we knew that had demons in his sleeve.” “Those demons will never be his armies.” Zach said and then he smirks. “Those demons are so weak. Hindi niyo pa kasi nakakalaban ng personal ang mga Demons niya kaya hindi niyo maintindihan ang sinasabi ko. They are way more powerful compare to those low class demons you had fought with.” Napaisip naman ako sa sinabi nito. Mahina nga kung tutuusin ang mga demon na nakalaban ko. Madami lang talaga sila nung araw na yun kaya wala na akong naiwang lakas para labanan ang Titan.  “Nasasabi mo lang iyan dahil hindi rin inatake ang isla mo,” galit na sabi ni Valeriana kay Zach. “Stop defending that asshole friend of yours!” Bumuntong hininga si Zach ng marinig iyon. Hindi rin naman niya masisisi si Valeriana kasi tulad ko ay may nararamdaman din akong galit kay Damon ngayon. “Look, I saw him few days ago and I’m sure it was him. It’s just that he didn’t know who he really is.” Mas lalo kaming naguguluhan sa sinabi nito. “Sinasabi mo lang ba ito para ipagtanggol siya Zach?” I asked. “Sinasabi ko na sa iyo. Hindi iyan sapat para ma-abswelto siya sa lahat ng kasalanan niya sa amin.” Imposible kasi ang sinasabi nito. Paanong mawawalan ng alaala si Damon eh wala naman kaming nabalitaan na naaksidente ito na pwedeng maging dahilan ng pagkawala ng kaniyang alaala. Kung may magtangka man dito ng masama ay imposible din na matalo ito. He’s the strongest member in our group. He can kill someone in just a snap.   “Hindi niyo ako maiintindihan ngayon pero ipinapangako ko na gagawan ko ng solusyon ang problemang ito. Just trust me with this and give me some time to figure it out,” determinadong sabi nito. “I know Damon was not a very nice God to all of you but I knew him since we were sent in this world. Hindi ako naniniwalang kaya niyang sirain ang isla na pagmamay-ari ng bawat isa sa atin at lalong-lalo na ang saktan tayong lahat.” Alam naming lahat na bestfriend niya si Damon at siya lang ang tanging nakakakita sa mukha nito at nakakakilala ng lubusan rito. Pero sapat na ba ang lahat ng sinabi nito para palagpasin namin ang ginawa ng bestfriend niya? Naghari ang katahimikan sa aming lahat. Nagpapakiramdaman kami kung sino ang sasang-ayon at hindi sa sinabi ni Zach sa amin. Bumuntong hininga ako bago ko basagin ang katahimikan na bumalot sa amin. “Fine! I’ll give you my trust but I can only give you a month to solve this messed.” Ngumiti naman si Zach ng marinig ang sinabi ko. “One month is enough for me. I already had some information but it was not enough to prove that Damon was innocent to all this messed.”  “Nakatungtong ka naba sa Isla ni Damon?” naitanong ko nalang bigla sa kaniya. I’m just curious. Tumango siya. “Yeah, ilang beses na rin. Pero nang hindi ko na siya nakita, hindi na rin ako nakapunta roon.” “So, what’s should be our decision then?” tanong ko sa kanilang lahat. Hindi pwedeng ako lang ang magdesisyon para sa kanila. Ano pang silbi ng meeting namin na ito kung iisa lang din naman nag magpapasya para sa aming lahat diba? “Pagbibigyan ba natin si Zach sa pinaplano nitong imbistigahan muna ang lahat bago tayo gumawa ng aksiyon o pupunta na tayo sa Isla ni Damon para pagbayarin siya sa kaniyang ginawa?”  Sapat na sa akin ang sinabi ni Zach para pagkatiwalaan ko ito pero hindi ko alam kung ano ang magiging opinyon ng iba sa usaping ito. “Okay, I’m in,” Kaius said. “Tutulong na din ako sa pag-iimbestiga para mapabilis ang pagresolba sa problema nating ito.”  Napatingin ako kay Valeriana. “Bes?” “Kahit naiinis ako, sige, I’ll agree” I chuckled hearing those from her. Halatang napipilitan lang ito. “Pero hindi ako tutulong sa pag-iimbestiga.” “Sand?” baling ko naman kay Sandara na tulad ni Valeriana ay naiinis rin sa naging takbo ng meeting naming ito. “Sumasang-ayon din ako pero wala akong tiwala kay Damon pero kay Zach at Kaius meron,” anito at pagkuwan ay sinamaan ng tingin ang dalawa. “Pero kapag hindi nila napatunayan na inosente si Damon sa lahat ng ito, they’re dead.” Nakita ko namang napalunok ang dalawa sa takot. “Well, that aren’t a bad idead,” pagsang-ayon naman ni Valeriana sa sinabi ni Sandara. “Now, I regret helping you Zach,” bagsak ang balikat na sabi ni Kaius kay Zach. Sinamaan naman siya ng tingin ni Zach. “You’re the one who volunteered, idiot. Don’t blame me for your decision.” “Empress?” baling ko ngayon sa huling miyembro namin. It’s a collective idea so we still need her opinion even I don’t like talking to her. “I agree but not because the majority of the decision already agreed to it but rather I want to be fair to Damon,” mahabang litaniya nito na nahihimigan pa rin ang katarayan sa boses nito. “May relasyon ba kayo ni Damon?” naitanong ko bigla sa kaniya na siya namang ikinagulat nito. “Eww!  He’s not my type,” maarteng sabi nito na tinawanan lang namin. “Hindi ka rin naman type nun kasi iyong mga tipo ni Katana ang gusto nun,” sabi ni Zach kaya biglang natuon sa akin ang mga mata nila. “At bakit naman ako?” natanong ko sa kaniya. Zach just smirked. “Malalaman mo rin. Not now now, but soon.” Isinawalang bahala ko nalang ang sinabi nito at pagkuwan ay nagpatuloy sa iba pang usapin na kailangang bigyan namin ng atensiyon. Inuna lang namin iyong kay Damon kasi iyong problema namin sa kaniya ang kailangan naming i-prioritize above anything else. TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD