ADAM POV Kanina pa ako tulala habang nakaupo ako sa upuan na nasa tabi ng hospital bed ng step father ko na siya palang tunay kong ama. Kasulukuyan kong hawak-hawak ang kanang kamay nito at paminsan-minsan ay kinakausap siya kahit alam ko namang hindi niya ako maririnig. Now I know why I resemble him a lot compares to my Daddy Harold. He’s my biological dad after all and Daddy Harold was just my made up Daddy. Pero bakit nagkaganito ang lahat sa amin? Bakit humantong sa ganito ang lahat? Sa kasalukuyang nangyayari ngayon ay hindi ko na tuloy alam ngayon kong kanino ako magaglit, kung saan ko ibubunton ang lahat ng sisi kong bakit naging ganito kagulo ang buhay ko. My mom cheated and Daddy Harold died because of it. Kinamuhian ko ang lalaking ito dahil siya ang sumira ng pamilya na

