Papasok na si Jen sa gym kung saan nag-training ang mga ka teammates niya. Exclusive ang gym na ito para sa kanila at dito rin matatagpuan ang opisina ng team manager nila. Kanya-kanyang bati ang mga kasamahan niya pagpasok niya.
“Hi, Jen,” bati ang mga ka-teammates niya.
Tango at ngiti lang ang isinagot ni Jen. Mamaya na niya kakausapin ang mga ito. Unahin muna niyang kausapin ang team manager nila na siyang sadya niya ngayon. Ngunit bago pa man siya makarating sa pinto ng opisina nito ay hinarang na siya ng kaibigang ai Shamma.
“Girl, bakit di ka naka jersey? Hindi ba at may practice tayo ngayon?” Tanong nito sa kanya.
Ngumiti lang si Jen sa kaibigan. “Kausapin ko lang si manager.”
“Bakit? May nagawa ka ba?” Curious na tanong nito.
“Wala. May kailangan lang ako,” sagot ni Jen.
“Ano?” tanong pa ni Shamma.
“Mamaya, sabihin ko. After ko makausap si sir,” sagot ni Jen.
Tumango na lang si Shamma sa kaibigan. Kaya nagpaalam na siyang pumasok na sa opisina ng team manager nila. Napa buntong hininga muna siya bago kumatok sa pinto. Nang marinig ang sagot mula sa loob ay unti-unti niyang pinihit ang sinadora hanggang sa bumukas na ito. Kinakabahan may ay pinilit ni Jen na ngumiti.
“Good morning, sir,” bati ni Jen. Medyo nagulat pa siya nang makita ang head coach nila na kausap ang manager.
“Oh, Jen,” tawag ng manager sa kanya. “Bakit nandito ka? Hindi ba’t may training kayo?”
“Ahm,” tumikhim muna si Jen bago inabot ang folder na dala-dala niya kanina pa.”
“What's this?” Litong ng team manager nila at binuksan ang folder.
Napalunok ng laway si Jen nang makitang unti-unting kumunot ang noo ng manager nila. Habang ang head coach nila ay tila naguguluhan na rin sa inakto ng manager.
“Why?” Tanong ng manager.
“Ahm,” muling tumikhim si Jen. “Ahm, uuwi po muna ako sa probinsya namin.”
“What? This is not the time to relax, Jen,” Sabat naman ng head coach nila. “Alam mo naman na ikaw ang isa sa inaasahan kong player ngayon.”
“Buo na po ang desisyon ko. I'm requesting for an early exit, sir,” sagot ni Jen.
“What?!” Mas lalong lumaki ang boses ng head coach. Napapunas pa ito ng mukha na para bang kasalanan nito ang biglaang desisyon nito. “Jen, kung tungkol ito sa nangyari nong finals, kalimutan mo na yon. Nabigla lang ako ng mga oras na iyon but believe me, hindi ko intensyon na sigawan ka.”
“Coach, thankful ako sa tiwalang binigay mo, inyo po. Pero personal reason po ang dahilan kung bakit ako aalis sa team,” magalang na sagot ni Jen.
“Jen, kailangan ka ng team,” sabat ng manager nila. “Anong gusto mo? Gusto mo bang taasan ko ang sahod mo?”
“No, sir. Gusto ko po na umuwi muna sa amin,” sagot ni Jen.
Napabuntong hininga na lang ang manager nila. “Alright, if that's what you want. I'm releasing you from the team. But if ever magbago ang isip mo. The management is ready to welcome you back.”
“Thank you, sir. Yun lang po ang kailangan ko sa ngayon,” sagot ni Jen.
“Sigurado ka ba talaga dyan, Jen. Baka magsisi ka sa huli,” sabi ng head coach nila.
“Kung ano man ang resulta sa desisyon kong ito, I will take accountability po at wala akong pwedeng sisihin kundi ako lamang po.
“Alright, I guess hindi ko na mababago kung ano man ang desisyon mo,” wika ng head coach nila. “Good luck, Jen. Naway, magtagumpay ka sa kung ano man ang pinili mo.”
“Thank you, coach. Thank you, sir,” sabi ni Jen sabay yuko ng ulo. “Paano, aalis na po ako.”
Nang tumango ang dalawa ay saka naman tumalikod si Jen at tuluyan ng lumabas sa opisina ng manager nila. Napabuga na lang siya ng hangin matapos maisarado ang pinto saka napasandal sa dingding habang nakapikit ang mga mata.
“Girl, anong nangyari sayo?”
Napamulat ang mata ni Jen nang marinig ang boses ni Shamma. Kitang-kita niya ang pag-alala sa mukha nito kaya napangiti na lang siya.
“Wala,” tanging sagot niya.
“Magbihis ka na at mag-training tayo. Baka mamaya ikaw na naman ang pag-initan ni coach dahil di ka pa bihis,” sermon ni Shamma sa kanya.
Pilit ang ngiting hinila ni Jen ang kaibigan sa lugar kung saan nandoon ang mga ka-team niya. Oras na para magpaalam sa mga kasamahan niya na itinuturing na rin niya na pamilya. Habang si Shamma naman ay walang ideyang nagpahila na lang sa kanya.
“Guys, may sasabihin ako,” panimula ni Jen. Agad namang nag silapitan ang mga kasamahan niya sa team. “Approved na team manager natin ang pag-alis ko sa team na ito.”
“Ano?!” Halos sabay-sabay na sigaw ng mga kasamahan matapos niyang sabihin yon. Kita sa mga mukha nila na hindi makapaniwala sa sinabi niya.
“Why? Okay naman tayo di ba? Wala namang nambully sayo rito?” Sunod-sunod na tanong ni Shamma saka humarap sa mga kasamahan nila. “Hoy! Kayo? Binu-bully nyo ba si Jen ng hindi ko alam?” bintang nito sa mga kasamahan nila.
“Wala ah?” Sabay-sabay naman sagot ng mga ka-teammates nila.
“Pero bakit ka umalis?” Tanong ulit ni Shamma sa kanya.
“Gusto ko pong magpahinga muna at uuwi ng probinsya,” sagot ni Jen.
“Pero bakit?” Naguguluhan na tanong pa rin ni Shamma ngunit may naalala ito kaya hinila siya nito sa isang sulok. “Dahil ba to sa nangyari sa inyo ni Racho? Aba! Kung yan ay dahil sa kanya, abay gago siya. Sinisira niya ang career mo!”
“Hindi, ano ka ba? Isa pa, ayaw ko na siyang pag-usapan pa kaya wag na wag mo siyang banggitin pa.”
Alright, it's up to you,” sukong wika ni Shamma. “Pero sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?”
Tumango na lang si Jen. “Oo. Isa pa na-miss ko na rin pamilya ko. Kaya time na rin siguro na uuwi ako sa amin. Mahigit apat na taon ko din silang hindi nakasama.”
“Awh, mamimiss kita, girl,” sabi ni Shamma sabay yakap sa kanya. “Tawag ka lagi sa akin, ah? Kapag may problema ka lalo na sa pera tawagan mo lang ako. Alam mo namang willing akong magbigay, hindi lang ako makaobra kay Lani.”
Napangiti namam si Jen sa sinabi ni Shamma. “Oo naman. Tatawag talaga ako sayo pag need ko na. Pero sa ngayon hayaan mo muna ako. Meron pa naman ako.”
“Sinabi mo yan ah?” Emosyonal na wika ni Shamma sabay kalas mula sa pagkayakap sa kanya.
“Oo nga, ito naman,” sagot ni Jen sabay tapik sa balikat ng kaibigan. “Sige na. Alis na ako para maka focus na kayo sa training.”
“Sige, basta yung usapan natin ah? Wag kalimutan,” sabi pa ni Shamma.
Tango lang ang isinagot ni Jen saka tinawag ang mga kasamahan. “Guys. Alis na ako. Ingat kayo rito. Ipanalo nyo ang season na to ha? I'm rooting for you, guys.”
“Ingat ka rin, Jen,” sabi ng team captain nila at hinawakan ang kamay niya. “Hindi ko alam kung ano ang rason ng pag-alis mo pero kung sakali mang bumalik ka, sana sa team ka pa rin. Ayaw naming makita ka na iba na ang jersey mo. Sana may lugar pa rin kami sa puso mo kung sakaling babalik ka sa paglalaro.”
“Oo nga, girl. Hintayin ka namin,” sabi pa ni Shamma. At sunod-sunod na sang-ayon mula sa mga kasamahan nila ang natanggap niya.
Hindi alam ni Jen pero parang naiiyak siya sa sinabi ng captain nila. Hindi naman niya ini-expect may malungkot sa pag-alis niya. Gusto lang naman niyang ma-refresh ang utak niya kaya mas pinili niyang aalis na lang muna. Alam niyang hanggat nandito siya ay hindi mawawala sa sistema niya si Racho at ang mga ginawang panloloko nito sa kanya.
“Oo, guys. Dito ako babalik kung sakaling makakalaro ako. Pangako yan,” madamdaming wika ni Jen bago niyakap isa-isa ang mga kasamahan bago tuluyang magpaalam na sa kanila.
Hindi na rin siya nagpapigil kahit sinabi ng mga kasama na mag-bonding muna sila bago aiya tuluyang umalis. Ayaw niyang mas lalong bumigat ang dibdib niya sa pag-alis niya. Ang paglalaro niya ng volleyball ay parte na ng buhay niya kaya ang pag-alis niya ay para na rin siyang nakipag-break sa passion niyang ito. Ngunit kailangan niyang i-let go ito alang-alang sa kapayapaang gusto niya. Alang-alang sa kagustuhang nakalimutan ang sakit na dulot ng pagmamahal niya kay Racho.