Nakahiga si Jen sa kama ni Racho habang nag-scroll sa social media habang nasa banyo si Racho, naliligo. Pagkatapos nilang maglinis sa kusina ay napagpasyahan nilang magpahinga na. Kaya ito siya ngayon nasa kwarto ng binata, parang tangang nakatulala lang sa screen ng cellphone niya. Kahit naka-on naman ang Tv sa harap niya. Inilapag ni Jen ang cellphone niya sa gilid at umikot para matulog. Nakaramdam na kasi siya ng antok. Ipinikit niya ang mga mata, hinayaan lang niyang maka-on ang tv. Namalayan na lang niya ang paglundo ng kama at ang pagtabi sa kanya ni Racho. Ramdam niya ang pagyakap ng nobyo mula sa likod niya at ang paghalik nito sa balikat niya. Napalingon naman siya sa kasintahan. “Sleep, sweetie. I know you're tired,” sabi niya at mas lalong hinigpitan ang pagyakap sa kanya.

