Tasmine's Pov "Alam mo, Mina ang ganda-ganda mo kaya bakit hindi ka na lang maging entertainer o dancer doon sa club? Hindi ba't lagi pa rin namang inooffer 'yon sa 'yo ni Madam A?" Nagtatakang sambit ni Veronica isa ring Pilipinong kasama kong nagtatrabaho sa isang club dito sa Amsterdam. Kumawala ang buntong hininga sa 'king labi habang pinagmamasdan siyang bilangin ang mga tip na nakuha n'ya bilang dancer at entertainer ngayong gabi. Kung tutuusin malaki nga ang kinikita n'ya kumpara sa 'kin na waitress lang pero hindi ko kasi talaga kaya 'yong ganoon kaya nakuntento na lang ako sa maliit kong kita ang mahalaga ay nasusuportahan ko ang aking sarili. "Ayoko pa rin Veron, hindi kaya ng tapang ko na gawin 'yon isa pa sarili ko lang naman ang sinusuportahan ko kaya okay na s

