Tasmine's Pov Noong mga nakaraang araw palaging gumuguhit ang matamis na ngiti sa 'king labi sa t'wing natutulog ako sa bahay n'ya at naunang nagigising. Nagkakaroon kasi ako ng kalayaan na pagmasdan ang perpekto niyang mukha. But I don't know what's up for me this day that the opposite thing happen. Pinagmamasdan ko s'ya na para bang sinasaulo ko ang itsura n'ya dahil baka makalimutan ko 'yon kahit na alam kong impossible naman 'yong mangyari at kasabay non ay ang pagpatak ng luha sa 'king mata. Sa kaisipang tulog pa naman s'ya ay naglakas loob akong bumangon mula sa kaniyang higaan at taas noong naglakad papunta sa cr dahil sa nangyari sa 'min kagabi. Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa 'king labi habang pinagmamasdan ko ang sariling repleksyon sa s

