Chapter 5

2060 Words
Tasmine's Pov   "Anong ginagawa mo rito?" Malamig at walang kaemo-emosyong tanong n'ya sa 'kin.   I gathered all my strength and guts so that I could step forward and came closer to him. "Sinusundo kita, may practice tayo ngayon," isang matipid na ngiti ang iginawad ko sa kaniya na para bang ayos at kaswal lang ang lahat sa pagitan namin.   Nakatitig lang ako sa kaniya at palihim na sinasamba ang kakisigan n'ya nang tumayo s'ya at ipinatong sa mesa ang dalawang stick ng drum na hawak n'ya kanina.   Uh-oh nagiging fan na ba ako ng lalaking 'to?   "Ayokong magpractice umalis ka na," ani n'ya habang nakaharap sa 'kin ang kaniyang likod.   I sighed frustratedly   Nag-iinarte ba s'ya? Nakakagigil ah!   "O-o sige, bukas ka na lang pumunta ng practice," kalmadong sinabi ko sa kaniya at kaagad na tumalikod para sana makalabas na rito at makahabol sa practice ng pageant nang bigla siyang magsalita na ikinatigil ko.     "Don't you get it? I quit from that stupid competition. Bakit hindi na lang si Maver ang gawin mong partner? Bagay naman kayo," shock is written all over my face with those words.     Hindi ko alam kung anong nangyari pero pakiramdam ko'y hinila n'ya ang huling piraso ng pisi ng pasensya ko   "Bagay kami? Gago ka talaga ano bang iniisip mo?" Kalmado ngunit iritadong tanong ko sa kaniya.     His million dollar smirk is now on, sa t'wing nakikita ko talaga 'yon sa pagmumukha n'ya pakiramdam ko ay minamaliit n'ya 'ko kaya mas lalo akong nakakaramdam ng pangigil sa kaniya.   Sumandal s'ya sa grand piano na nakalagay sa kaliwang banda ng music room at may seryosong ekspresyon n'ya akong hinarap.   "Playing innocent now? While last night it seems like you wanna get laid by him by the way you talk and touch him," galit na sinabi nito at ginaya pa ang mga sinabi ko kay Maver noong nakaraang gabi.   Unbelievable!     "Ang babaw mo pala, sana kung gaano kalilim 'yang kaabnormalan mo ganoon ka rin kalalim mag-isip, and f*****g yes! Maybe I wanna get laid pero may delikadesa pa naman ako at hinding-hindi ako magpapakama sa pinsan ko. Putanginang 'to!"   With so much fury spreading rapidly in my system. I rose to my feet and walk away.   Nakakabwisit talaga ang gagong 'yon!   "Mckenzie, tara na," pasigaw na sambit ko at dire-diretsong naglakad paalis ng punyetang lugar na'to.   "Ms. Villarama, nasaan si Mr. Montefiore?" Nagtatakang tanong ni Ms. Valdez ng magsimula na ang practice ngunit wala pa rin si Krei.   Naiinis man ay pinilit ko pa rin ang sarili ko na kumalma at may galang na kausapin ang aming propesora.     "Hindi na po 'yon aattend ng practice nag-quit na raw s'ya, maghanap na lang po kayo ng bago kong partner," pagkatapos kong sabihin 'yon ay marahan na akong rumampa papunta sa harap at pilit na itinago ang lahat ng negative vibes na nararamdaman ko dahil kay Krei.   Just so he know, hindi s'ya kawalan noh. Hindi ako magmamakaawang h'wag s'yang magquit kasi mawawalan ako ng partner, leche s'ya!   Isang linggo pa bago ang actual na pageant, kayang-kaya pa siyang palitan.   Nag-angat ako ng tingin ng makita ang isang pares ng itim na converse na sapatos na suot ng kung sino mang nakatayo sa harapan ko.   "Luthor," nakangiting tawag ko sa pangalan nito.   Kahit na isang pares lang ng puting white na v-neck t-shirt, navy blue na bomber jacket at itim na pantalon ang suot n'ya sigurado pa rin akong matatalbugan ng kakisigan n'ya ang kahit na sinong nakasuot ng mga designers na gamit.   Mas lalong lumapad ang ngiti sa labi ko nang iabot n'ya sa 'kin ang isang bote ng kulay blue na gatorade   Kanina pa ako nauuhaw at hindi ko namang magawa na umalis para bumili ng maiinom dahil ano mang oras ay magsisimula na ulit ang practice, bukod pa ro'n ay iniinda ko na ang pananakit ng binti ko.   "Thanks," mabilis kong ininom iyo at halos mangalahati na ang laman ng gatorade, di Luthor talaga ang tanyag na playboy sa kanilang tatlo pero s'ya ang mas malapit ng medyo sa 'kin kahit na minsan ay inisnob n'ya 'ko kaya naman mas komportable ako na kasama s'ya.   "Ano palang ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko sa kaniya habang ibinabalik ko ang takip ng bote ng gatorade.     "Kapalit ni Krei," napatango-tango lang ako habang pinasadahan n'ya ng kamay ang buhok niyang kulay blonde.   "Okay lang naman siguro sa'yo di 'ba?" He ask suddenly.     Ilang segundo pa akong nakatitig lang sa kaniya saka paulit-ulit na tumango na siyang ikinatawa nito. "Oo, mas okay 'yon kaysa naman kay Krei."   Having him as my new partner, pakiramdam ko mas gumaan ang lahat parang kalahati ng pressure na nararamdaman ko ay nawala.     Siguro dahil sa mas kumportable ako sa kaniya hindi katulad ng kay Krei na lagi akong naiintimidate.   Hindi ko na namalayan ang paglipas ng mahigit sa dalawang oras na practice at natapos 'yon ng may mga ngiti sa labi ko.   Kahit papaano'y naeenjoy ko na ang ginagawa ko. "Nagi-gym ka ba?" Luthor ask suddenly as we were heading to the school's parking lot.     Napagkasunduan kasi namin na s'ya na lang din ang maghahatid sa 'kin.       Umiling ako.     "Kaya pala medyo mataba ka," natatawang komento niyang nakapagpasimangot sa 'kin.     "Hindi naman ako mataba, sakto lang kaya," seryosong giit ko na para bang guilty nga ako sa inaakusa n'ya sa 'kin na mataba raw ako.   "Kailangan mo rin mag-exert ng sariling effort para sa Ms. Intramurals Tas, sa mansyon ka na lang muna magspend ng weekends may gym naman do'n," suhestyon n'ya.   Ilang segundo ko ring pinag-isipan 'yon bago ako tumawag kay mommy para ipaalam na sa mansyon muna ako mamalagi ng dalawang araw.       "Anong sabi ni Tita Beatrice?" Maagap na tanong ni Luthor nang maibaba ko ang telepono matapos kong maka-usap si Mommy para magpaalam.   "Okay lang daw, magpapahatid na lang daw s'ya sa driver ng gamit ko," I answered and enter his car.     Ngayong nasa byahe na kami at nakaupo na lang kami ay saka ko lang naramdaman ang pagod ko.   "Nandito na tayo," nakangiting sambit n'ya at lumabas ng kotse.     I unfastened my seatbelt immediately and was about to go out when I suddenly loose my balance.     "May problema ba?" He asked worriedly.   Naapanguso na lang ako habang nakatingin sa mga binti ko.   "Parang namamanhid 'yong binti ko, nahihirapan akong maglakad," pag-aamin ko.     He then smile at me and with just one swift move he's now carrying me in his arms.     "Luthor, what happened?" Nag-aalalang tanong ni Mamita nang makasalubong namin s'ya sa grand staircase ng mansyon.   "Nagka-cramps po 'yong binti ni Tasmine, Mamita. Dahil siguro sa practice kanina. Dadalhin ko lang muna s'ya sa kwarto n'ya," magalang na sagot nito sa nakakantandang Montefiore.     Dahil sa nangyari bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya at pagkailang na buhat-buhat ako ni Luthor.   Marahil ay nabibigatan na s'ya sa 'kin at nahihirapan para pa naman sa kaniya ay mataba ako.   "Dito ka lang, kukuha ako ng salonpas sa kwarto ko para malagyan 'yong binti mo," striktong bilin n'ya nang maiupo ako sa malambot na kama ng kwartong nakalaan para sa 'kin.     Marahan lang akong tumango sa kaniya saka s'ya masuyong nginitian.   Dala na rin sa matinding pagod ay nakatulog ako ng hindi namamalayan     Nagising na lang akong nakatakip na sa 'kin ang makapal na kumot. Sinubukan kong igalaw ang binti ko at wala na rin ang pamamanhid do'n.   Napangiti na lang ako ng makita ang tig-dalwang piraso ng salonpas na nakalagay sa binti ko na naging malaking tulong para kaagad na mawala ang pamamanhid ng mga binti ko.   Baka iniligay 'yon ni Luthor nang nakatulog na 'ko.   ------- "Tasmine hija, buti naman at gising kana," she graciously clap her hands.     Isa-isang nagsilabasan ang mga tagapag-silbing may dalang iba't ibang putahe na marahan at maingat nilang ipinatong sa lamesa.   Kahit na inaasikaso naman nila ako ng maayos at hindi tinuturing na ibang tao ay pakiramdam ko isa akong alien na galing sa ibang planeta.   Bakit nga ba kasi ako pumayag sa suggestion ni Luhtor na dito magspend ng weekend gayong hindi naman ako pumupunta dito ng hindi kasama si mommy?   "Tasmine."   "Po?" Maagap na sagot ko sa pagtawag ni Tita Athena sa akin habang kumakain kami na ikinangit ng tingin Mamita at ni Tito Alfred.     "Si Luthor na pala ang kapartner mo sa intramurals?"   "O-opo. Nagback out kasi si Krei, Tita kaya si Luthor 'yong pinalit," I muttered and continued eating my food.     "Naiinis lang talaga ako kaya sinabi kong magku-quit na 'ko, pero look mabilis siyang nakahanap ng kapalit ko," bakas ang sobrang sarkasmong turan ni Krei habang hinihiwa ang steak sa plato n'ya.     "Lilinawin ko lang na hindi naman ako ang naghanap ng kapalit mo kung 'di si Ms. Valdez, gusto mo naman palang sumali sa intramurals ba't nag-inarte ka pa?" Hindi ko na napigilang pabalang na sagutin siya.   Nawala na sa utak kong nasa harap pala namin sila Mamita at ang mga magulang n'ya.   "Krei, Tasmine, tama na," may otoridad na pag-aawat sa 'min ni Mamita.     Kaagad akong tumungo at pinagpatuloy na lang nang tahimik ang aking pagkain.     "Do you still want to join hijo? P'wede ka pa naman sigurong magawan ng paraan," Mamita ask while looking at Krei.     H'wag kang pumayag please.   Panindigan mo 'yang kaartehan mo mas gusto kong si Luthor ang kapareha ko.   Paulit-ulit ang pagtakbo ng mga ideyang yon sa 'king utak habang hindi ko pa naririnig ang sagot n'ya sa tanong ni Mamita.   "Nevermind, Mamita," he uttered and with that he rose to his feet and storm out of the dining room.     Mamita heaved a sigh while Maver and Luthor chuckle as they were slowly shaking their heads.     "H'wag ka na masyadong mastress kay Krei, Mamita. Para namang hindi mo alam kung gaano kaligalig ang apo mo na 'yon," Luthor commented as he wipe his mouth with a piece of white table cloth.   Nang magtama ang mga mata namin ni Tita Athena ay pasimple ko lang siyang nginitian saka ako nagpaalam na babalik na sa 'king kwarto.   Habang tinatahak ang pasilyo kung saan matatagpuan ang mga kwarto ay hindi inaasahang napatigil ako sa bukas na pinto ng terrace sa pagitan ng pinto ng kwarto ni Luthor at Maver.   Parang may sariling utak ang mga paa ko at humakbang 'yon papunta sa terrace kung saan natatanaw ang malawak na hardin ng mansyon.   Ang malaking swimming pool at ang fountain na animo'y may iba't ibang kulay ang tubig dahil sa mga ilaw ay tanaw mula sa kinatatayuan ko.   I can't help but smile and be amazed at the breath-taking view the mansion has, especially at night.     Nasa mataas na parte kasi ito nakatayo kaya nakikita ang mga ilaw mula sa naglalakihang building sa lungsod. The mansion itself is like a paradise in the middle of chaotic city.   Nang makuntento na sa pagmamasid ay papasok na sana ako sa loob para dumiretso na sa kwarto at muling makapagpahinga ay nahagip ng mata ko ang isang pigura ng pamilyar na lalaking nakaupo sa isang lounger sa may gilid ng pool at abalang nilalaro ang string ng hawak niyang gitara.   Aminado akong naiinis ako sa kaniya palagi, sa kagaspangan ng ugali n'ya at sa pagiging perpekto n'ya sa mata ng nakakarami sa kabila ng mga kapuna-punang kamalian na nakabalandra sa pagkatao n'ya, was it his looks, talent, the surname on his name?   Hindi ko alam pero isa lang ang sigurado ako isa sa mga nabanggit kong dahilan ang may kinalaman kung bakit halos sambahin s'ya ng ibang tao.   Hindi ko maintindihan ang sarili ko ng bigla na lang akong magtago sa likod ng poste ng terrace ng lumingon s'ya sa gawi ko.   Ang tanging alam ko lang ay napakalakas ng t***k ng puso ko na para bang gusto nitong kumawala sa dibdib ko o kung hindi naman ay baka magkakaroon ako ng heart attack.   "Tas? Akala ko magpapahinga ka na, anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Luthor at sisilip pa sana kaya lang mabilis ko na s'yang hinila pabalik sa loob.     "Ang ganda pala ng view dito kapag gabi, yon lang naman, sige matutulog na'ko," dire-diretsong sinabi ko at halos takbuhin ko na ang daan pabalik sa kwartong tinutuluyan ko pakiramdam ko kasi kahit sino ay mabibingi kapag narinig nila ang malakas na pagtibok ng puso ko.   Tasmine Yllone, ano bang nangyayari sa 'yo?   Ba't nagwawala yang supposedly blood-pumping thing sa dibdib mo sa t'wing nakikita mo ang demonyitong si Krei?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD