Tasmine's Pov "Nakakahiya naman kapag sumama pa 'ko sa studio n'yo, iuwi mo na lang ako sa bahay," kalmadong sinabi ko kay Luthor nang makasakay na kami sa kotse n'ya matapos naming magpasukat na dalawa para sa gagamiting gown at tuxedo para sa Mr and Mr and Ms. Intramurals. He took a glance at his wrist watch as he start the car's engine. "Hindi na aabot, mas una nating madadaanan ang studio kaysa sa bahay n'yo dalawang araw na 'kong di nakakasama sa practice namin nila Maver, may gig kami bukas," I frustratedly heaved a sigh. Pakiramdam ko isang life changing ang paggawa ko ng desisyon kung sasama ba 'ko sa studio o hindi at hirap na hirap ako magpasya. "Sige na, isang oras lang tayo ro'n ha expected nila Mommy na nasa bahay na 'ko bago mag-alasais," I murmur a

