Tasmine's Pov "Nasaan na ba kasi si Luthor?" Inip na tanong ko kay Mckenzie habang aligaga na 'kong nag-aabang sa gate ng university. Alam n'ya naman na saktong alas-syete ng gabi mag-uumpisa ang pageant. "Hindi ko alam, magkasama tayo diba saka hindi naman kami close," sandaling pinasadahan ko s'ya ng tingin saka inirapan at muling ibinalik ang buong atensyon ko sa mga kotseng pumapasok. "Pumasok ka na kaya sa loob hindi ka pa naayusan baka naman natraffic lang 'yon," she muttered as she forcefully drag me to come with her. Wala na 'kong ibang nagawa kung 'di ang magpatianod sa paghila n'ya pakiramdam ko kasi tuluyan n'ya ng matatanggal ang balikat ko kapag hindi pa ako sumama. "Oh! for the sake of the world, alam naman ni Luthor na mat

