Tasmine's Pov "Hon, aalis na 'ko," kaswal na pagpapaalam ni Daddy nang makababa s'ya mula sa ikalawang palapag ng bahay habang abala pa ring tinatali ang kanyang kurbata. Lumapit s'ya sa hapag kainan at hahalikan sana si mommy sa pisnge gaya ng nakasanayan sa t'wing umaalis s'ya ngunit sa kauna-unahang pagtaon ngayon ko lang nakita na iniiwas ni Mommy ang pisnge n'ya animo'y ilag na ilag s'ya kay papa na aking kinaalarma. May tampuhan ba sila? O ngayon ko lang napansin ang maliit na detalyeng 'to dahil sa alam ko ng marriage for convenience lang sila. "Hindi ka man lang ba sasabay sa 'min ng anak mo na mag-agahan?" Malamig na tanong ni Mommy sa kaniya habang inilalagay sa plato ko ang isang piraso ng french toast atsaka ako nginitian. "Busy ka Dad?" Kaswal na tanong ko

