We spent the whole day at the beach. Drake started to teach Brianna how to surf. Dahil magaling ang anak ko ay madali siyang natuto. Proud na proud ang tatay niya at agad na binida sa amin ang natutunan. Maging ako ay bilib na bilib sa pagse-surf ni Drake. Ngayon ko lang naman kasi siya nakasama sa ganitong klaseng bakasyon. Napagtanto ko na ang boring pala namin noon. Puro kasi trabaho kaya hindi man lang namin naranasan mag-out of town man lang. Kahit na malayo ay dinig ko ang hiyaw ni Drake. A proud father indeed. Labis talaga ang kaligayahan niya sa tuwing kasama ang anak. Nakaupo kami sa may sun lounger at tinatanaw sina Bri at Drake na sobra ang pag-e-enjoy sa nagsasayawang mga alon ng dagat. Manageable naman para sa edad ni Bri kaya safe. May certain spot sa beach kung saan mal

