Kahit paano ay naibsan ang aking lungkot nang umuwi ako sa amin sa Naic. Laking gulat nila Mama dahil biglaan ang pagdating ko. Nagtataka kung bakit hindi ko dala ang aking kotse. Kung dadalhin ko kasi ang kotse ko ay paniguradong magpapang-abot kami ni Drake. Sinabi ko na lang na gusto kong maranasan uli ang mag-commute. Kahit paano ay nakatulong iyon para mapakalma ang puso ko. Iba pa rin magbyahe nang nakaupo ka lang sa medyo mataas na upuan at ang mga mata ay ninanamnam ang magagandang bukiring dinaraanan. I know that kuya Junnie was not convinced with my alibi dahil bakas iyon sa kanyang mukha. Siya rin ang unang naghanap kay Drake at nagtatakang himala na hindi kami magkasabay umuwi. Pati sila ay nasanay nang kasama ko si Drake. Alam din nila na roon ito natutulog minsan sa unit ko

