Habang tumatagal ay lalong nagmamanifest ang mga side effects ni Drake sa gamot. He was always groggy and restless, kasama na roon ang palpitations and muscle cramps. Nawala na rin ang mga nightmares and crying spells niya. Kaya siya na mismo ang nagvo-volunteer sa umaga na magpaaraw at magpapawis. Pansin niya kasi sa sarili na mas maayos at masigla ang pakiramdam niya kapag naarawan. May mga 'dark days' pa rin siya na hindi naman maiiwasan but he was slowly managing it. "Mom, do you think it's okay kung mag-stop muna ako ng events for two weeks? I am planning to bring Drake to a much warmer place. Hawaii probably," I asked mom while she was on her swivel chair in her office. My mommy was on to events too but she was more focus now on marketing. Hindi naman na niya kailangan magtrabah

