TWO

2920 Words
Wala pa rin si Papa sa bahay pag-uwi ko galing eskwelahan at paggising ko sa sumunod na araw ay wala pa ring bakas na umuwi si Papa. Nag-aalala na ako sa kaniya, gusto kong hanapin si Papa pero hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Paglabas ko rin sa bahay ay rinig na rinig ko ang mga tsismisan nila tungkol sa Papa ko na may bago na naman daw itong kabit. Sabi pa nila na nakita raw nila ito sa palengke kasama ang kabit nito. I tried to ignore them, nagpapanggap na walang narinig. Hindi ko magawang ipagtanggol ang Papa ko kasi maski ako ay nasaksihan ang pambabae niya. Minsan pa nga ay dinadala niya sa bahay. I'm just fourteen years old girl. Kailangan ko pa ng gabay ng magulang, kailangan ko pa sila lalo na't nag-aaral pa ako. Pero napilitan akong magtrabaho para sa sarili ko at sa pag-aaral ko dahil kapag hindi ako magtatrabaho at magsisikap ay baka mamamatay ako sa gutom. Sumakay na ako sa jeep. Pagdating sa eskwelahan ay nakita ko si Venice na kakarating lang din sa eskwelahan. Nagmamadali akong bumaba at lumapit kay Venice. Ngumiti siya nang makita ako at sinalubong ako ng yakap. "'Yong promise mo," nakangisi niyang sambit. "Promise?" "Gaga 'to! 'Yong promise mo na aamin ka—" "Ano na naman ba 'yan, Venice?" Sumulpot si Kuya Spencer at tinaasan ng kilay ang kapatid. "Duh, girls talk, Kuya." Umirap at hinila ako ni Venice papasok sa gate. Lumingon ako kay Kuya Spencer at kumaway tsaka nagpatianod sa hila ni Venice. "Operation hanapin si William!" Hinila ako ni Venice papunta sa soccet field. Habang palapit sa soccet field ay kumakalabog ang puso ko sa kaba. Kinakabahan ako. Kung aatras na lang kaya ako? Kung hindi na lang kaya ako aamin? "Venice—" "Opss! Walang atrasan 'to! Nagpromise ka na aamin ka sa kaniya ngayon kaya panindigan mo." She glared at me. "P-Pwede namang mamayang hapon...bakit ngayon?" Luminga ako sa paligid. Maraming estudyante sa soccer field, may mga dumadaan at ang iba ay nanood talaga ng laro. "Mas maganda ngayon. Kung pwede gawin ngayon bakit ipagpabukas pa?" Tinaas niya ang kilay sa akin at hinila ulit ako papunta sa bleacher. "Wala naman akong sinabing bukas...sabi ko mamaya na lang—" "Nope. Isipin mo na lang na para 'to sa future mo," Gosh! Ewan ko sa best friend ko bakit siya ganito mag-isip? Future kaagad ang inisip? Ni isang beses hindi ko inisip ang future ko pero ang isang 'to parang nakikita ang hinaharap. "Venice..." I called her. Walang atrasan 'to. Bakit ba kasi ako nagpromise? Pero hindi ko naman maalala na nagpromise ako sa kaniya na ngayon talaga ako aamin kay William. "Baka kapag aamin ka...magugustuhan ka rin niya!" Impit siyang napatili. Umiling ako at tinuon ang atensyon sa laro. Pinanood ko nang mabuti ang mga galaw ni William, kung paano niya paluin ang bola at ang pagtakbo niya nang mabilis. Magaling talaga siya at makikita ko talaga kung gaano karami ang nagkagusto sa kaniya. Mga babae sa paligid ay tumitili at nagc-cheer para sa kaniya. Maraming magaganda kaysa sa akin. May mas sexy pa na babae kaysa sa akin na patpatin lamang. May mga babaeng malalaki ang hinaharap at bilogan ang pwet, marunong magmake up at mapupulang labi. Ibang-iba sa akin, kabaliktaran. Kung maganda sila, pangit ako, may mga tigyawat sa mukha at may freckles din sa pisnge. Maliit lang ang hinaharap ko at hindi masyadong matambok ang pwet ko. Hindi ako sexy, ang payat-payat ko, walang curve sa katawan. Hindi marunong magmake up at maputla ang labi ko. May lahi ako dahil may lahing amerikana si Mama habang si Papa naman ay galing sa espanya ang lahi pero ito pa rin pangit. Wala ngang nagkakainterest sa akin na lalaki diyan, si William pa kaya? Ang hirap na niyang abutin, ang tayog niya habang ako ay nakatingala sa kaniya. "Ito, gamitin mo ito," napatingin ako sa bagay na binigay ni Venice. Nanlaki ang mata ko at nilingon ang kaibigan na malaki ang ngiti sa labi. "Ang layo natin doon sa field, hindi natin makikita nang maayos si William mo kaya gamitin mo 'yang telescope." Nagtaas baba ang kilay ni Venice pagkatapos ay bumungisngis. Loko talaga ang isang 'to. Kailan pa ba niya dala-dala ang telescope na 'to? Talagang pinaghandaan, ah. "Go, gamitin mo 'yan para mas lalo mo siyang makikita," Ginagawa ko ang sinabi ni Venice. Gumamit ako ng telescope at tama nga si Venice na mas better na may telescope talaga nakikita ko talaga ng maayos si William. Nakikipag-usap siya sa kagrupo niya at pakiramdam ko ay nagjoke ang kaibigan niya kaya sila nagtawanan. Parang lumabas naman ang puso ko nang tumawa siya at nakita ang malalim niyang dimple. Ang guwapo niya talaga, lalo na't kapag nakangiti siya. Mas lalo siyang gumagwapo. Tumili na naman ang mga kababaihan. Ngumisi siya at napatingin sa mga audience. Sinundan ko siya nang sinuyod niya ang buong bleachers at ang mga mata niya ay huminto sa banda namin. Para akong hihimatayin. Kumurap-kurap ako at medyo nilayo ang mata sa telescope, hindi naman siguro ako assuming 'no? Pero pakiramdam ko nakatingin siya sa akin. Gosh! Tumitibok ng napakalakas ang puso ko! "Saan ba 'yan nakatingin?" Nagtanong ang kaibigan ko pero hindi ko siya pinansin. Binalik ko ulit ang mga mata sa telescope at naabutan ko pa rin na nakatingin sa akin...sa akin...nakatingin siya sa akin. Nakatingin si William sa akin! Wah! Nakatingin siya sa akin! Anong gagawin ko? Kakaway? Sisigaw? Ano?! Pakiramdam ko ang pula-pula na ng mukha ko. Tinagilid niya ang ulo niya at ilang sandali pa ay ngumisi siya tsaka kumaway. Mahihimatay ata ako! "Hoy! Anong nangyayari?!" Niyugyug ako ni Venice. Wala sa sarili akong tumingin sa kaibigan ko. Pakiramdam ko umalis ang kaluluwa ko sa katawan. "Mahihimatay muna ako..." I whispered. "What?!" She hissed, concerned. "Mga 5 minutes lang...gusto ko munang mahimatay," Niyugyug niya ulit ako. "Tangina! Dadalhin na ba kita sa hospital?! Don't tell me mamamatay ka na ngayon?! Holy mother fucker! What should I do?! Putangina naman, Clemence! Call 911!" Napa face palm ako dahil sa katangahan ng kaibigan ko. I thought she get it, but she didn't. "Clemence!" She slapped me so hard in my face. "Ow! Aray ko..." Napatayo ako at napahawak sa pisnge ko na sinampal ng kaibigan ko. She look so worried. But why is she slapped me so hard?! "Thank god! Buhay ka, Clemence!" Tumayo si Venice at niyakap kaagad ako ng mahigpit. "Akala ko mawawala ka na! Akala ko mamamatay ka na ngayon! Akala ko hindi na matutuloy ang plano natin ngayon! Clemence!" I rolled my eyes, hawak-hawak pa rin ang kumikirot na pisnge. Oa rin 'tong kaibigan ko. Nasubrahan sa oa. "Bakit hindi kayo pumasok?" Baritong boses sa likod namin. Napalingon kaming dalawa ni Venice sa likod at nang makita kung sino 'yon ay napaatras ako at napahawak sa braso ng kaibigan. "Bakit nandito pa rin kayo?" "Kuya, nanonood pa kami ng—" "You are not allowed to wander or watch a practice match in class hour, Juniors." Bumaling si Kuya Spencer sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin. SSG president si Kuya Spencer sa school namin. Ibang-iba siya kapag nasa loob ng school. Seryoso at nakakatakot siya kapag nasa school pero kapag nasa labas subrang lambot naman at palangiti. "May nanonood pa naman—" "Senior na sila. Bakit niyo sila tutularan?" Hindi nakaimik si Venice. Umirap siya at nag-iwas ng tingin sa kaniyang Kuya. Tinignan ko ang kaibigan ko. Parang wala ata siyang balak na mag-sorry sa kuya niya at wala rin ata siyang balak na umalis dito. Tumingin ako kay Kuya Spencer, may suot-suot siya ngayong glass na mas lalong nakadagdag sa kaguwapohan niya. Nerd talaga si Kuya Spencer kapag sa loob ng school. "Sorry, Kuya...papasok na kami—" "What?!" Tumutol ang kaibigan ko. Tinignan niya ako. "Paano si William? 'Di ba aamin ka pa?" Umiling ako at sinulyapan ulit si Kuya Spencer nang makitang nakataas ang kilay niya ay tumingin ulit ako sa kaibigan at pinandilatan ng mata. "Mamamay na lang..." I whispered. Ayaw kong marinig ni Kuya Spencer ang pinag-uusapan namin ni Venice baka iisipin niyang masyado na kaming malandi. "What? Ang pinag-usapan natin ay—" "Let's go, Venice...promise aamin ako mamaya." Pagputol ko sa sasabihin niya. Bumaling ako kay Kuya Spencer na hindi pa rin nawala ang pagkaseryoso sa mukha. Lumunok muna ako bago nagsalita. "I'm sorry, Kuya...hindi na mauulit. Babalik na kami sa klase..." Hinila ko kaagad ang kaibigan palayo roon. Nakasimangot siya at sinamaan pa ng tingin ang kaniyang kuya bago nagpatianod sa hila ko. Pagdating namin sa room ay nagsimula na nga ang klase kaya gumapang kami papunta sa upuan namin. Pinagtakpan kami ng mga kaklase namin habang gumagapang kami ni Venice papunta sa upuan. Lumingon ako sa bintana at nakita ko roon si Kuya Spencer na seryoso kaming pinapanood at napailing na lang siya na parang dismayado sa aming dalawa ng kapatid niya pagkatapos ay umalis na siya. Shit. Baka ipa-guidance kami ni Kuya. "Baka magsusumbong si Kuya Spencer sa guidance? O kaya sa principal?" Nag-aalala kong tanong. Umiling naman si Venice, naiinis pa rin sa kuya niya. "Hindi 'yon magsusumbong," Nag-aalala pa rin ako na baka isusumbong kami ni Kuya Spencer sa principal. Hanggang sa natapos ang dalawang subject ay 'yon pa rin ang pinag-aalala ko. "Nag-attendance ba si Ma'am kanina habang wala kami?" Tanong ni Venice sa kaklase namin. "Hindi nag-attendance si Ma'am hanggang natapos ang klase niya." "Saan ba kasi kayo nanggaling?" Singit ng isang kaklase namin na lalaki na naging ex din ni Venice. "Doon lang sa soccer field nanonood ng laro," sagot ni Venice. "Bakit? May type ba kayo roon? Sino? Si William Guerrero?" Umikot ang mata ni Venice. "Crush 'yon ni Clemence. Aamin na dapat siya kanina pero panira si Kuya." "Ang guwapo ng kuya mo, Venice!" "Dapat hindi niyo 'yon binoto, ayan tuloy subrang higpit ng school dahil sa Kuya ko!" Reklamo pa niya. "Hindi mo ba naalala? Ikaw kaya ang nangumpanya na iboto ang Kuya mo sa pagkapresidente," tinaasan ko siya ng kilay. Nang marealize niya ay mas lalong bumusangot ang mukha niya. "Pero kahit naman hindi ka nangumpanya ay mananalo pa rin ang Kuya mo." Singit ni Avi. May gusto sa Kuya ni Venice. Hinila ulit ako ni Venice papunta sa Soccer field para manood ulit ng practice match. Kanina pa niya ako pinaalalahanan na dapat aamin ako ngayon at magrelax lang. "Huwag kang kabahan, si William Guerrero lang 'yan," God! Ang dali naman para sa kaibigan ko na sabihing si William Guerrero lang 'yan. Sino bang hindi kakabahan kapag si William na ang kaharap? Baka mamaya magkanda utal-utal ako nito at hindi ko masabi ang totoong naramdaman ko. Baka mapahiya lang ako nito. "Ayon siya!" Tinuro ni Venice si William. Tapos na ata ang laro dahil nagpapahinga na sila. Syempre dahil sikat sila, maraming nag-aalok sa kaniya ng tubig. "Bigyan mo rin siya ng tubig!" Tinulak ako ni Venice. "Ayaw ko! Hindi ko na gagawin 'to!" Reklamo ko at napaupo na lang sa bleacher. Hindi ko talaga kayang umamin sa kaniya. "Clemence..." "Hindi kasi madaling umamin..." Hindi ako tumingin sa kaibigan ko. I know she's upset right now. She wanted me to confessed my feeling to William, but I really can't. "It's up to you, then," napatingin ako sa kaniya. She really look upset and disappointed. "Pwede naman akong lumapit pero hindi ko intensyong umamin...makikipagkaibigan lang..." Bumaling ako sa pinagroroonan nila William. Nginitian lang niya ang mga babaeng nagbibigay sa kaniyang bottled water, tinatanggap niya pero binibigay niya ito sa mga kasamahan niya. Someone insist to wipe his sweat but he refuse, instead he wiped his own sweat with his shirt. Everyone jerked. "It's that okay with you? Being friend with William? Tama naman ang Kuya mo, Venice...we are still young and naive...dapat sa edad natin hindi natin pinoproblema ang pag-ibig...we must enjoy our teenage days and as a single." Pinanood ko muli si William na makipagbiruan sa mga kasamahan niya, ngumingiti siya sa mga kababaihan. Mga magagandang babae 'yong lumalapit sa kaniya pero parang wala naman siyang pakialam. Paano pa kaya kung ako na ang lalapit 'di ba at aamin sa kaniya? Baka layuan niya ako. "Hindi kita pipilitin... It's your choice. I'm sorry I force you to confess your feelings to him even if you don't want it." I smiled at my best friend. Tumabi siya sa akin sa upuan at sabay naming pinanood si William na makihalobilo. "But...what if..." "What?!" "Nothing..." Bumingisngis siya at binalik ang mga mata sa mga tao. Kumaway ako kay Venice at pinanood ang paglayo ng kotse nila. Kasama ko ang ibang estudyante na naghihintay din ng masasakyang jeep. Kaso pahirapan nga lang ang pagsakay sa jeep kasi masikip na at halos magtulakan na ang mga estudyante makasakay lang. Ang iba nga ay nakatayo na lang sa gitna. Umatras ako. Hindi ako sasakay sa masikip na jeep. Hindi ako makahinga. Sa mga masisikip na lugar na katulad ng jeep ngayon ay mahihirapan ako sa paghinga. Tinawag pa ako no'ng driver pero umiling ako at iniwas ang tingin. Ilang ulit pa niya akong tinawag na sasakay na raw pero umiling ako nang umiling kaya ayon napagod siya sa kakapilit sa akin na sumakay kaya pinaandar na niya ang jeep. Mas mabuting maghintay pa sa susunod na jeep kaysa sa makipagsiksikan sa mga tao roon sa loob ng jeep. "Hey," Gulat akong napalingon sa tabi ko. Umawang ang labi pero para magsalita pero tinikom ko ulit ang bibig ko dahil hindi ko alam ang sasabihin dahil sa gulat. "I'm William Guerrero—" "O-Oo, alam ko." Dahil sa subrang excited ko naputol ko ang sasabihin niya. Gosh! Kinakabahan ako. Hindi ko napaghandaan ang araw na ito! Hindi ko napaghandaan kung ano ba ang sasabihin ko. Hindi ko rin alam na tatabi pa siya sa akin at kausapin ako. William Guerrero? Nakipag-usap sa isang babaeng payatot na pangit? Natawa siya sa sinabi ko. "I thought you don't know me," "Me?" Tinuro ko ang sarili ko. "Hindi ka kilala? Sikat ka kaya sa mga Junior High. Guwapo ka at magaling sa paglalaro ng baseball. Maraming nagkakagusto sa'yo at pinupuri ka. Sino bang hindi makakilala sa isang William Guerrero?" He stared at me. Napatitig din ako sa kaniya. Ilang sandali pa ay umangat ang sulok ng labi niya hanggang sa humagalpak siya ng tawa. What?! Anong nakakatawa?! My, my my! s**t! I just realized what I've said to him! Talagang s-sinabi ko 'yon?! My god! Sinabi ko bang guwapo siya?! s**t! Hindi ko na alam ang pinagsasabi ko kanina. "Ako? Guwapo?" Tinuro niya ang sarili niya. Hindi ako tumango ngunit hindi rin ako umiling. Hindi ko lang alam kung tatango ba ako o hindi. "M-Maghihintay ka rin ba ng jeep?" Pag-iwas ko sa topic. Hindi ako makaisip ng topic. Hindi ko alam kung ano ang itatanong ko sa kaniya. Bigla atang hindi na ako marunong magsalita. He laugh again. "No. May magsusundo sa akin," Then I realize na malayo pala ang agwat ng buhay ko sa buhay niya. His father is a Mayor while his mother is private teacher. Scholar ako ni Mayor—papa ni William. Subrang layo ng kaibahan ng buhay namin. Marangya ang buhay niya at kompleto ang pamilya niya habang ako ay may Ama pero sa iba naman tinutuon ang atensyon. Hindi na pala niya kailangang sumakay sa jeep dahil may sumusundo sa kaniya. Bakit ko pa 'yon natanong? "Nandito na ba sundo mo?" I asked again. "Yup." Tinuro niya ang sasakyan na nasa waiting shed. May bodyguard pa talaga siya. It's for his safety. Hindi maiiwasang may mga galit sa Papa niya baka madamay siya sa gulo o kaya siya ang target-in para gawing hostage. Maraming pwedeng mangyari kay William lalo na't Mayor ang Papa niya. "Oh...uuwi ka na?" Bakit parang nagtunong nanghinayang ako?! What's wrong with me? "Hindi, rito muna ako hanggang sa makasakay ka na sa jeep." Kumalabog ang puso ko. Umiwas ako ng tingin at humarap ako sa kalsada para hindi niya makita ang namumula kong mukha. I really like him. Pumasok sa isipan ko ang sinabi ng kaibigan ko kanina. Ang pag confess ko kay William. Aamin ba ako? Hinihiling ko na sana hindi pa dadating ang jeep para matagal-tagal ko ring makasama si William. Minsan lang 'to sa buhay na makatabi si Crush kaya sulitin natin dahil baka bukas hindi na ito mauulit pa. Baka bukas hindi na kami magkakilala. Baka bukas magiging stranger na naman ulit kami sa isa't isa. Pero hindi ata dininig ng panginoon ang kahilingan ko dahil nakita ko kaagad ang paparating na jeep. Ang luwag-luwag pa. Hiniling ko na sana masikip para hindi ako makasakay. Pero talagang hindi ako pagbibigay ng panginoon. Masyado na ba akong malandi, Lord? "Nandiyan na ang jeep," Humarap ako kay William. Tumingala pa ako para makita siya dahil may katangkaran siya. "Maraming salamat sa pagsama sa akin dito..." Huwag ka munang umalis... "You're welcome... See you tomorrow, Clemence..." I was so shock that he know my name. "How did you know my name?" I asked him curiously. "I just know," ngumiti at nagkibit ng balikat. Kumaway siya sa akin habang naglalakad paatras. "Magkaibigan na tayo." "Kaibigan?" Kumunot ang noo ko. Huminto siya sa paglalakad. "Hindi mo ba gusto?" Mabilis akong umiling at humigpit ang pagkapit ko sa strap ng bag ko. "Gusto..." I guess hanggang kaibigan lang ako? "Magkaibigan na tayo." Kumaway siya at pumasok na sa kotse habang ako ay sumakay na rin sa jeep.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD