Isabella's POV Andito kami sa field. Uumpisahin na ang totoong pag sasanay. Ang una kong sasanayin ay ang water, syempre ang aking trainor ay si God Water na napaka kulit. "Mag simula na tayo" Tamango ako at nakinig sakaniya. Nag indian sit kami sa damuhan. "Unang mong gagawin ay isipin mo na may enerhiya ng tubig na dadaloy mula sa iyong katawan palabas ng iyong kamay." Pumikit ako at nag concentrate. Ang nasa isip ko lang ay tubig. Kalaunan ay may nararamdaman akong enerhiya papunta sa aking palad. Pagbukas ko ng aking mata may nakikita ako sa aking palad na water ball. Ang galing! Sa sobra excited ko nawalan ako ng konsentrasyon kaya nawala yung water ball. "Mag concentrate kamuna at wag pa excite, dahil baka hindi ka magtagumpay" Dahil sa sinabi ni God Water ay mas lalo ak

