Nathalia Dark *Dark Kingdom* POV Nanpadito ako sa harapan ng aking magaling na asawa. Kung tutuusin ay gusto ko na siyang iwan. Pero hindi ko magawa. Sinesermonan ko siya na itigil ang paghahanda ng mga kawal at sa estudyante sa paghahanda. Dahil ayaw kong maganap ang labanan. Ayoko siyang masaktan at mawala sa tabi ko. Ayokong magkahiwalay kami. At ayoko ng kasakiman niya. Siguro ang akala ng marami na isa akong masama at sakim. Pero hindi. Isa akong white user. Ginawa lang niya akong dark user. Pero ang kabaitan sa puso ko hindi mawawala. Gusto ko padin ng kapayapaan. Yung walang g**o. Malayo sa kapahamakan. Walang mawawala. "Nath nakikiusap ako sayo. Wag mo ng ituloy ang pagsugod. Parang awa mo na. Ayoko na ng kasakiman mo. Tigilan mo na to" ayan, kanina ko pa ipinipilit saka

