Syempre I sat in front of my vanity mirror. Bago magsimula ay binuhay ko muna saglit ang cellphone para tignan ang oras. 6:30 AM Mga 6:50 naman na kami naalis ni Sky kaya't may sapat na panahon pa ako. Nilipat ko ang tingin sa mga gamit sa harap ko para makapagsimula nang mag-ayos ng sarili. I decided to do my hair first before putting on some light make up. I don't know what got into me. Basta't habang nagliligpit kahapon ay may nakita akong kahon na may lamang iba't ibang pampaganda. Of course my Mom was the one behind it. I remembered her telling me that she included those kinds of stuff in my baggage before we moved in here. Hindi ko nga lang binigyang pansin iyon noon dahil wala naman akong interes sa mga ganon. Pero nang matagpuan ko ang mga ito kagabi ay bigla kong naisip na s

